Balo na, makapag- aasawa pa ba?

Sulat mula kay Evelyn ng KM 11, Sasa, Davao City
Dear Sir Greenfield,

Mula nang mamatay ang aking asawa noong 2013 ay nagkanda-lugi-lugi na ang aming negosyo hanggang sa mabaon ako sa mga pagkakautang. Ang mga anak kong dating nagsisipag-aral sa maayos na eskwelahan ay nailipat sa public at yon iba ay nahinto na sa pag-aaral. Tatlo kasi ang anak ko na naiwan sa akin ng mister kong maagang namatay, kaya hirap na hirap ako sa ngayon. Kaya minsan parang gusto ko nang tapusin ang buhay ko kaya lang naaawa ako sa mga anak ko na maliit pa at hindi pa kayang mabuhay nang wala ako. Sa ganitong kalagayan ng aming buhay may pag-asa pa kayang umunlad? Sa paanong paraan? Sa ngayon po ay naglalako na lang ako ng kung ano-anong paninda sa palengke para maka-survive. At sa palagay n’yo makapag-aasawa pa kaya ako para may makasama at makatuwang man lang ako sa buhay? October 14, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Evelyn ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Itayo o buhayin mong muli ang dati ninyong negosyo noong hindi pa namamatay ang mister mo, kung saan ito ang nais ipagawa sa ‘yo ng ikalawang mas malinaw Business Line (Illustration 1-1 arrow 2.) sa
iyong palad. Ibig sabihin matapos na malugi ang unang negosyo dahil nga sa pagkamatay ng iyong mister, hindi pa huli ang lahat upang muli kang magtaka sa dati nyong negosyo, sa tulong ng isang lalaki, muli mong maitatayo at mabubuhay muli ang dati ninyong negosyo.
Cartomancy:
Nine of Diamonds, King of Diamonds at Five of Hearts ang lu-mabas (Illustration 1.). Sa tulong ng isang lala-king mai-in love sa iyo, muli mong maitatayo at mabubuhay ang inyong negosyo, kung saan, ang lalaking tutulong sa iyo ay medyo mas matanda o mas may edad sa iyo, pero mamahalin ka nya ng tapat at totohanan kahit na may mga anak ka pa.
Itutuloy…

Read more...