SSS condonation program

MATAGAL ko na na po na inaabangan ang condonation program ng SSS. Matagal-tagal na rin noong magkaroon ng condonation program ang SSS ang problema ay hindi ako nakahabol. May posibilidad po ba na ngayong taon ay magkaroon kayo ng condonation program? Nag loan po kasi ako noong ako ay nagtatrabaho pa sa dati kong company na hindi ko na nabayaran makaraan na ako ay umalis sa trabaho. Gusto ko na rin sana na bayaran ang utang ko na P20,000 at tiyak na lumaki na ito dahil sa interest at may 10 years ko na rin na hindi nababayaran. Malaking tulong din kung may condonation at ma-waive ang penalty lalo’t wala naman akong permanenteng trabaho sa ngayon. Umaasa ako sa agadang kasagutan ng ahensiya.
Annabelle

REPLY: Para sa iyong katanungan Ms. Anabelle, malabong magkaroon ng condonation program ngayong taon ang Social Security System.

Taong 2012 pa nang huling magpatupad ng condonation program ang SSS at marami naman ang naka-avail nito sayang lamang at hindi ka nakasama sa nakapag-avail ng programa at sana ay nabayaran mo na ang iyong loan.

Hindi ang SSS ang nagdedesisyon para sa pagpapatupad ng condonation program dahil ito ay inihahain sa dalawang kapulungan ng Kongreso at sila ang nag-aapruba nito at kapag napagtibay na ay saka lalagdaan ng Pangulo para sa ganap na implimentasyon .

Sakaling magkaroon ng approval sa Senado at kamara ay kagyat naman itong ipinatutupad ng SSS at ipinaaalam sa mga miyembro para makapag avail ng programa.

Sana ay nasagot namin ang iyong katanungan

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer, Media Affairs Department
Social Security
System

Read more...