Pang-8 na BF ang makakatuluyan (2)

Sulat mula kay Isabel ng Telegrafo, Tolosa, Leyte

Dear Sir Greenfield,
Maraming beses na po akong umibig at nakipag-relasyon ngunit ang pinagtataka ko ay lagi akong naiiwang luhaan. Kung sino pa ang tapat magmahal siya pa ang laging nawawalan. Sa palagay n’yo, Sir, kaya kaya madalas akong iwanan ng mga naging boyfriend ko ay dahil hindi na ako virgin? First year high school pa lang kasi ako noon nang minolestiya ako ng pinsan ko. Sa ganitong kalagayan ng aking love life, pito na na ang nagiging boyfriend ko pero walang nagtagal. May lalaki pa kayang iibig sa akin ng tapat at papakasalan ako? Kung mayroon kailan kaya siya darating? April 13, 1987 ang birthday ko.

Umaasa,
Isabel ng Tolosa, Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing kung iibig kang muli at isang Sagittarius ang iyong nakursunadahang mahalin, tiyak ang magaganap, hindi ka na mabibigo. Sa piling ng isang lalaking Sagittarius ay habambuhay kang liligaya.

Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing sa pang-walong boyfriend mo, na medyo kayumanggi ang kulay, habambuhay kang liligaya at siya na ang mapapangasawa mo.

Graphology:

Ngunit bago tuluyang makamit ang tagumpay sa pag-ibig at relasyon, baguhin mo ang iyong lagda. Huwag mo na itong babuyin o burarain. Sa maaliwas, hindi binaboy at hindi binurarang lagda, magiging aliwalas at maayos na ang iyong personalidad. Ito ang magiging daan upang masagap mo ang magaganda at positibong mga kapalaran lalong lalo na sa pag-ibig at pag-aasawa.

Huling payo at paalala:
Kahit hindi ka na virgin, Isabel, walang kaso iyon, as long na may iginuhit ang kapalaran na isang matino at mabuting lalaki na nakatakda mong makasama habambuhay. Ang lalaking ito ay siguradong darating ngayong taon ding ito ng 2015, sa edad mong 28 pataas. Tulad ng naipaliwanag na, sa sandaling kayo ay nagkatagpo, siya ay isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Sagittarius, tuloy-tuloy nang mabubuo ang isang wagas at panghabambuhay na relasyong hahantong sa isang simple at panghabambuhay na ring pagpapamilya.

Read more...