Farewell to my right leg

IT was a choice of amputating my right leg or having a month to live.

“Bacteria has spread all over your body. We have to get rid of it. But first, we have to get rid of the source and that is your right foot which is already infected with gangrene,” said the doctor. “After that, we can start cleaning your entire body.”

Anyone in his right mind would naturally choose amputation. And so, I bade farewell to my right leg two Sundays ago.

Sa totoo lang, bago pa man ipinaliwanag sa akin ng doktor ko ang sitwasyon ko ay tanggap ko na na mapuputulan ako ng paa. Kasi, sa ikatlong pagkakataon ay bumaba sa alarming level ang aking blood sugar tatlong Biyernes na ang nakalilipas. Nang hapong iyon ay bumaba sa 27 ang aking blood sugar at nautal ako. Nagtulong ang aking panganay at pamangking nurse sa pag-revive sa akin sa pamamagitan ng pagsubo ng asukal, pagpapakain ng chocolate at pagpapainom ng softdrink.

Mga bandang alas-9 ay pumanhik sa 51 ang blood sugar ko at nakapagsalita ako ng diretso. Pero imbes na pataasin ko pa hanggang sa normal 80 ang blood sugar ko ay minabuti kong matulog.

At iyon ang aking pagkakamali.

Bandang ala-1 ng madaling araw ng Sabado ay nagisnan ako ng misis ko na naninigas na.

Niyakap niya ako at pilit na ginising subalit hindi ako kumurap. Ginising niya ang mga anak ko at ang pamangkin kong nurse at nagtulong sila upang i-revive ako. Pero walang nangyari at lumipas lang ang mga oras hanggang sa mapuna nilang alas-5:30 na ng umaga.

Doon ay nagmungkahi na ang aking pamangkin na tumawag na sa barangay at magpatulong na dalhin ako sa malapit na Delgado Hospital ng Kamuning.

Sa tulong ng Barangay Emergency Rescue Team ng Quezon City ay nadala nga ako sa Delgado at doon ay nalapatan ako ng first aid. Doon na ako nagising.

Nang maayos na ang aking pakiramdam, tinanong ako ng misis ko, “Saan mo gustong dalhin ka namin. Hindi ka puwede dito dahil maternity clinic ito.”

Dahil sa alam ko na ang malamang na mangyari sa akin, sinabi ko na dalhin ako sa Delos Santos Medical Center. Naalala ko kasi ang tagubilin ni coach Virgil Villavicencio na media bureau chief ng mga koponan ni Manny V. Pangilinan: “Kung magpapa-admit ka sa isang ospital, piliin mo ang isang owned by MVP para wala kang problema.”

Ang Delos Santos Medical Center ay pag-aari na ni MVP.

At naganap na nga ang lahat!

Well, nagkulang man ako ng isang bahagi ng aking katawan, natanto ko naman na napakarami palang nagmamahal sa akin! Ang dami ko palang mga kaibigang nakahandang tumulong sa oras ng kagipitan.

Sa kaibuturan ng aking puso ay nagpapasalamat ako kina MVP, Ricky Vargas, Al Panlilio, coach Virgil Villavicencio, PBA Chairman Pato Gregorio at sa mga Governors ng liga, PBA Commissioner Chito Salud, PBA media bureau chief Willie Marcial, Delos Santos Pres. Pagdanganan at Dr. Ragadon.

Maraming salamat din sa mga kaibigang dumalaw at nagbigay ng lakas ng loob sa akin tulad nina Bert Ramirez, Tito de Jesus, Cyd Doctolero, Umbert at Letty Virtucio, Jojo Racelis, Gammy Fronteras, Rey Mercado, Chiqui Reyes, Tatti Chio, Charkie Cuna, Noel Zarate, Mark Zambrano, Mara Aquino, Felvi Cannu, Grace Acojido, Marissa Marasigan, Noel Calalang, Nelson Sibal, Rex Francisco, Marlo de Vera, Obet Pascua, Boy Pascua, Carrrie Pascua, Arnel Solis, Alfredo Ferriols, Benjie Santiago, Tony Nepomuceno, Joey Flores, Eddie Co, Alvin Pua, Mozzy Ravena, Thirdy Ravena, Frederick at Bing Nasiad, Francis Noel Jopillo, Orly Castelo at Sunny Co.

Pasensiya na sa mga hindi ko nabanggit.

Read more...