BILIB kami kay Gerphil Flores. She knows how to make a stand.
Gerphil is back in the country after her sting at Asia’s Got Talent where she placed third. Siyempre, kaliwa’t kanang interview ang kanyang ginawa sa kanyang pagdating.
Napansin lang namin, una siyang umapir sa morning show ng GMA 7, then sa TV5. We noticed na wala siyang appearance sa anumang show ng Dos.
Apparently, Gerphil made a decision not to appear in any ABS-CBN shows after Kris Aquino’s age appropriate statement nang sumali siya sa Pilipinas Got Talent. Hindi nagustuhan ni Gerphil ang statement na iyon ni Kris and we felt that the Queen of Talk crushed Gerphil’s dream.
Iyak nang iyak si Geprhil nang talunin siya ni Sherwin sa semi-finals all because of Kris.
READ BACK STORY: https://bandera.inquirer.net/91360/kris-supalpal-sa-nilait-na-pgt-contestant-sikat-na-sikat-ngayon-sa-asias-got-talent
Dapat pala ay may guesting sa ASAP si Gerphil pero inisnab niya ito.
Buti nga sa inyo. Ang akala ninyo porket number one network kayo ay walang celebrity na mang-iisnab sa inyo. You got it all wrong. There’s one Gerphil Flores na kayang mag-turn down sa inyo.
Ayan ang napala ninyo. Ang akala n’yo kayo lang ang may karapatang mag-boycott sa mga celebrities, puwes nagkamali kayo. Binoykot kayo ni Gerphil at isang malaking sampal ‘yan sa inyo.
We hope na manindigan talaga si Gerphil sa kanyang desisyon na huwag mag-guest sa anumang show ng Dos, baka kasi bigla siyang pangakuan ng network ng kung anu-ano para lang mapapayag siyang umapir sa Kapamilya station.
MOST READ
LATEST STORIES