Nananatiling si Sarangani Rep. Manny Pacquiao pa rin ang pinakamayamang kongresista at nagiisang bilyonaryo sa Kamara de Representantes.
Ayon sa kanyang inihaing Statement of Assets Liabilities and Networth para sa taong 2014, si Pacquiao ay nakapagtala ng P1.6 bilyong networth mas mataas sa kanyang idineklarang P1.345 bilyon noong 2013.
Malayo naman ito pinakamahirap na si Anakpawis Rep. Fernando Hicap na nagdeklara ng P95,572.65.
Pumangalawa naman sa pinakamayaman si Speaker Feliciano Belmonte Jr., na mayroong P921.559 milyon na lumaki ng P100 milyon mula noong nakaraang taon.
Pangatlo naman si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may P917.8 milyong networth at sinundan ni Negros Occidental Rep. Alfredo Benitez na may P845.928 milyon.
Ikalima naman sa pinakamayaman Negros Occidental Rep. Julio Ledesma na may P822.275 milyon.
Sumunod naman ang mag-asawang Las Pinas Rep. Mark Villar at Diwa Rep. Emmeline Aglipay na nag-joint filing ng SALN at may networth na P689 milyon.
Pangwalo naman si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na may P474.7 milyong networth at sumunod si Rizal Rep. Joel Roy Duavit na may P317.9 milyong networth.
Ang ika-10 namang pinakamayaman ay ang namayapang si Tarlac Rep. Enrique Cojuangco na may P220.5 milyon.
Sumunod naman sina Cavite Rep. Alex Advincula (P203.6 milyon), Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu (P198.9 milyon), Cavite Rep. Lani Mercado (P181.8 milyon), Quezon Rep. Aleta Suarez (P181 milyon), at pang-15 si Leyte Rep. Lucy Torres Gomez (P176.4 milyon).
MOST READ
LATEST STORIES