NAG-PROMISE si Kris Aquino sa bunsong anak na si Bimby na wala silang love scene ni Mayor Herbert Bautista sa pagsasamahan nilang pelikula under Star Cinema.
Nagulat ang TV host-actress nang bigla siyan tanungin ng anak sa nakaraang episode ng Kris TV habang nagkukuwento tungkol sa movie nila ni Bistek kung magkakaroon sila ng love scene.
“Is there a love scene?” tanong ni Bimby na agad sinagot ng kanyang mommy ng, “No. Wala.” Si Kris naman ang nagtanong kay Bimby kung okay lang ba kung mag-holding hands at magyakap sila ni Mayor Herbert sa pelikula, “Okay,” ang naging tugon naman ng bagets.
Kuwento pa ng Queen Of All Media, mismong ang mga bossing ng ABS-CBN at Star Cinema ang naghikayat sa kanya na gawin ang pelikula with Bistek na ididirek ni Antoinette Jadaone.
Nag-usap na rin daw sila ni Herbert tungkol dito bago pa sila pumirma ng kontrata for the said project.”Nag-usap kami once over the phone. Then mayroong lang wish list sa kwento na sabi ko sana as realistic as possible, na age-appropriate huwag tayong magpa-cute,” sey ni Kris sa co-host niya sa Kris TV na si K Brosas na makakasama rin sa nasabing proyekto.
“Basically I am allowed to share this kwento na what happens after 20 years after college graduation. All throughout college, best friends kami; student council president siya, ako ‘yung editor ng school organ and everybody expected him to make it big kasi maglo-law school but unfortunately ‘di siya nakapasa ng bar.
“Ako sinabayan siya sa law school pero na in love, ikinasal (sa iba), ginive up para sa sarili pero natagalan bago makabuo ng baby. Ikaw ang mabubuong baby (Bimby) doon sa asawa,” litanya pa ng TV host.
“At may rules talaga, ha! Kanina sinet na ‘yung rules. Bawal ang dalaw, bawal ang friends. Si Tita Malou (Santos, ang nakaisip noon) kasi daw babagal ang shooting.
Ang mangyayari daw magwa-one-upmanship eh di kung may umapir, ‘yung isa gagawa ng paraan na mas malaking pasabog. Tapos ‘yung iba magwo-walkout, aalis. ‘Ayaw ko na I’m done.’
“Ang gusto ko lang naman sabihin sa kanila is number one, neither of us is co-producing it. Sinabi ko ‘yon na para walang sisihan in the end. Star Cinema na lang ito, walang sosyo-sosyo ang side ko, side niya wala.
It’s strictly Star Cinema,” pahabol pa ni Kris. Huling hirit pa ng mommy ni Bimby, “Number two, I think sa track record din ni Tita Malou at Ma’am Charo hindi nila ito gagawin kung hindi nila nakikita na may pupuntahan.”