2nd album ni Maja gold record agad, ipinagtanggol ng netizens

maja salvador

Marami ang naloka nang mag-gold na ang second album ni Maja Salvador.

Not a few were surprised to have learned that Maja’s album became a big hit gayong halos kalo-launch pa lang nito. Parang two or three weeks ago lang yata ‘yun, di ba?

“NKKLK kasi kalo-launched lang ng 2nd record gold na agad & artista talaga, kunwari gulat na gulat. As if…Yung ibang singer-singeran, akalain mong talunin pa ang mga legit at biritera sa cd sales.

“Sayang ang pera ng fans na sira ang ulong bumili ng cd. Yung isang singer-singeran na Anne C, akalain mong napuno ang Araneta eh yung mga legit eh hanggang Music Museum lang.

“Kamukat mukat niyan yung mga legit na singers venue na lang eh barangay hall kasi yung mga singer-singeran eh dumadami. Pag maraming fantards, gawa tayo ng cd. Sampu sampera ang bentahan,” one anti-Maja fan barked.

“Na-intrigue ako sa music niya kasi nag platinum ang first album niya kaya binili ko sa iTunes ang second album niya. I am not even a fan of Maja, as a dancer I love her but not too keen on her singing.

But when I listened to her second album, sobrang Gold record worthy. Her songs are of top quality, lalo na yung Love Me, Kill Me at yung duet niya with Sam Milby. Magaling siya.

“Magaling rin ang record label niya. She is contributing something positive to the OPM industry and her haters need to take a chill pill. Magaling naman talaga si Maja,” depensa naman ng isang maka-Maja.

Read more...