JaDine pinalakpakan ng ABS-CBN advertisers

james reid

Sa ginanap na “Shine Pilipinas” trade event ng ABS-CBN noong Martes ng gabi sa Valkyrie, Bonifacio Global City, Taguig ay sobrang applauded ang production number nina James Reid at Nadine Ilustre, lalo na ng advertisers na talagang nagtayuan pa para kunan sila ng video.

Yes bossing Ervin, base sa kuwento sa amin at sa kuhang video ng JaDine prod ay dinig na dinig mo ang hiyawan ng mga taong nasa venue na sobrang napasaya ng magka-loveteam.

Nilapitan pa nila ang ilang naroon para magpa-picture pagkatapos ng dance number nila. In fairness, mahusay naman talaga ang dalawa sa pagsasayaw, bukod pa sa marunong din silang kumanta at ito talaga ang panlaban nila sa ibang loveteams na puro pa-tweetums lang ang alam.

Kasama ang JaDine sa trade event para sa upcoming serye nilang On The Wings Of Love handog ng Dreamscape Entertainment.

Read more...