Susan Roces: Wag n’yong pagkumparahin sina FPJ at Coco Martin!

coco martin

Nakiusap ang veteran actress na si Ms. Susan Roces na huwag pagkumparahin ang yumao niyang asawang si Da King Fernando Poe, Jr. at ang anak-anakan niyang si Coco Martin.

Si Coco kasi ang gaganap sa karakter ni FPJ sa classic movie nitong Ang Probinsiyano na isasalin nga ng Dreamscape Entertainment sa teleserye.

Ayon kay Ms. Susan, magiging unfair kay Coco kung hahanapin nila ang akting ni FPJ sa pagganap ng aktor sa Ang Probinsiyano na ipinalabas noong 1997.

“I think it’s not fair for people to expect and that is not only for Coco but any actor portraying a role that has been played by a previous actor. “It’s unfair to compare because he is not portraying FPJ, he is portraying the character in the story.

So hindi niya kailangang gayahin ang kilos ni FPJ,” anang award-winning actress na gaganap namang lola ni Coco sa TV version nito. “It’s his own interpretation.

We should not expect him to mimic everything that the former actor portrayed and that goes for all the remakes, for all the projects inspired by a previous movie or teleserye,” dagdag pa ng biyuda ni FPJ.

Para naman kay Coco, handa siyang gawin lahat para mabigyan ng hustisya ang kanyang role sa nasabing serye. In fact, siya mismo ang nag-request sa Dreamscape na sumailalim siya sa matinding training para rito.

“Napakaswerte ko po na kahit paano ay magagamapanan ko ang isang pelikula na talagang tumatak sa ating mga Filipino na ginawa ni FPJ.

“Siyempre malaki po ang pressure sa akin na dapat kahit paano, alam kong never kong mapapantayan pero kahit paano ay mabigyan ko ng justice ang character ko at sana ay tangkilikin din ng mga manonood ang gagawin naming soap opera,” aniya pa.

Read more...