SIYEMPRE, tuwang-tuwa ang Kapamila princess na si Liza Soberano sa mga magagandang komento ng ilang Korean nationals na naninirahan na rito sa Pilipinas tungkol sa kanya.
Isa kasi ang ka-loveteam ni Enrique Gil sa seryeng Forevermore sa mga Pinay celebrities na napili ng ilang grupo ng mga Koreano para sa kanilang “Most Beautiful” list.
Kumalat kamakailan sa internet ang isang video na ginawa ng mga Koreans kung saan mapapanood ang kanilang diskusyon kung sinu-sino sa mga local celebrities natin ang nagtataglay ng magagandang mukha.
Mag-trending ang nasabing video sa mga social media. Bukod kay Liza, ilan pa sa mga female stars natin na napasama sa kanilang listahan ay sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo at Marian Rivera.
Maging ang Teen King na si Daniel Padilla ay nabanggit din sa video. Per sa huli, si Liza nga ang napili nilang pinakamaganda sa lahat.
Nang tanungin sa isang panayam si Liza, agad siyang nagpasalamat sa mga Koreano, “Natuwa po ako sa video. Napanood ko po siya. Thank you so much sa kanila dahil na-appreciate nila ‘yung beauty ng mga Filipina.”
Samantala, natawa lang si Julia Barretto nang mapanood niya ang nasabing video, “It’s so funny because they were so shocked that I was born in 1997. Do I look my age there or no? No? Maybe that’s why.”
Dagdag pa ng young actress, “It’s flattering to know that the Koreans seemed to like us.”