Gerald napamura, nag-sorry uli kay Janice

TULOY ang pang-ookray at panlalait ng netizens kay Janice de Belen dahil sa patuloy na chika tungkol sa diumano’y namamagitan sa kanilang dalawa ng Kapamilya matinee idol na si Gerald Anderson.
At dahil nga dito, muling nagbigay ng pahayag si Gerald sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, para ipagtanggol sa bashers ang veteran actress na walang-awang binabatikos ng ilan sa kanyang fans.
Isang larawan din ang ipinost ni Gerald sa kanyang IG kung saan makikitang magkayakap sila ni Janice na tila sinasabing wala talagang malisya ang kanilang relasyon bilang “mag-ina”.
Naging close ang dalawa nang gawin nila ang teleseryeng Budoy noong 2011 kung saan gumanap ngang nanay ni Gerald si Janice. Ang aktres ang sinasabing dahilan daw kung bakit nagkahiwalay sina Gerald at Maja Salvador.
Sa IG post ni Gerald, nag-sorry uli siya kay Janice dahil nadamay pa ito sa break-up nila ni Maja.
Sey ng ka-loveteam nina Shaina Magdayao at Isabelle Daza sa Primetime Bida series na Nathaniel, “Stay strong@super_janice. Love you always. I’m always here fo you…Sorry for the Bull***t!”
Ilang sandali lang ang lumipas ay agad na sinagot ni Janice ang mensahe ng binata, isang simpleng “Thank you for this!” ang naging reply ng beteranang aktres.
Bago ito, nagsalita na rin si Janice sa isag interview tungkol sa relasyon daw nila ni Gerald, aniya, hindi na lang siya sumagot sa isyu dahil, “Kasi feeling ko, wala nang point, kasi naniwala na lahat, e.
“Ano pang point para klaruhin ko yung issue or para i-deny ko or whatever when everybody already believed it?” sey pa ng aktres.
Pero sa kabila nga ng kontrobersyang ito, nananatili pa rin daw silang magkaibigan ni Gerald, “I will still hug him as tight. I will still be that close to him kasi wala naman talaga. It’s really weird.”

 

Read more...