Julia, Inigo maraming pinakilig sa ‘Hopeless Romantic’
MAS lalo pang pinatunayan sa pelikulang “Hopeless Romantic” na swak na swak ang chemistry nina Julia Barretto at Inigo Pascual. Deserve ng dalawang showbiz royalties ang trust na binigay ng home network para sa kanilang unang pelikula together.
Ikalawang movie na ito ni Inigo after “Relaks Its Just Pag-ibig” samantalang unang pelikula naman ito ni Julia. Hindi nagpahuli sa pagpapakilig ang dalawa na sadyang tilian ng movie-goers at posibleng sundan pa ng follow up project ng kanilang home network.
Ginagampanan nina Julia at Inigo ang mga fictional character nina Maria at Ryan, “May on-screen presence sila, parang totoo ang lovestory nila,” ang kinikilig na sabi ng isang nanood ng “Hopeless Romantic.”
Matatandaang unang nagsama sina Julia at Inigo sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na nakakuha ng mataas na rating at mula noon ay nakabuo ng fans club ang kanilang loveteam.
Nasundan pa ito ng Wansapanataym Presents Wish Upon A Lusis. Nagtuluy-tuloy pa ito hanggang naging in demand sa iba’t ibang TV guestings at magazine covers.
Siguradong aabangan din ng lahat ang kanilang kauna-unahang serye sa ABS-CBN, ang And I Love You So ng Dreamscape Entertainment. Nagte-taping na ang dalawang bagets kaya siguradong excited na ang kanilang followers sa proyektong ito.
Makakasama rin nila rito ang mga bigating artista tulad nina Bing Loyzaga, Raymond Bagatsing, Dimples Romana, Angel Aquino, Luke Jickain, Mr. Dante Rivero at Miles Ocampo.
In fairness naman kina Inigo at Julia, mukhang totoong-totoo naman na super close sila. Napatunayan namin ‘yan sa presscon noon ng “Hopeless Romantic” kung saan grabe kung protektahan ni Inigo ang ka-loveteam
Naging totoo rin ang dalawa sa pagsasabi na hindi pa sila magdyowa pero inaming malalim na ang kanilang friendship.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.