‘Ang sama-sama ni AGOT! Sana makarma siya!’

Nakakaloka ang mga natatanggap naming mga komento tungkol kay Agot Isidro, ha!

Tulad ng isang e-mail ng isa nating reader. Ayon sa kanya, “Hayop siya!

Ang sama-sama ng ugali niya!

Grabe siyang manglait! Matapobre!

Sana makarma siya sa mga ginagawa niya sa mga taong wala namang ginagawang masama sa kanya!”

Pero teka lang!

Bago kayo mag-react ng bonggang-bongga, ‘yan ay komento lang ng isang avid viewer ng seryeng One True Love sa GMA TeleBabad kung saan gumaganap ngang kontrabida si Agot sa buhay ni Jean Garcia at sa loveteam nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

May hirit pa itong, “Si Agot ang talagang inaabangan namin sa One True Love.

Ang galing-galing niya. Nakakapanggigil siya talaga!

At dahil magaling siyang villain, talagang lumalabas din ang galing ng iba pa niyang mga kaeksena, lalo na sina Louise at Alden na talagang lumalaban sa aktingan!”

Ngayong linggo, asahan n’yo raw na mas lalo pang titindi ang mga gagawing paghihiganti ni Leila (Agot) sa kanyang mga “kaaway”, lalo na kay Tisoy (Alden) na malalagay naman ang buhay sa peligro dahil sa relasyon nila ni Elize (Louise).

Ngayong alam na rin nina Leila at Carlos (Raymond Bagatsing) na may relasyon sina Tisoy at Elize, sila na ang gagawa ng paraan para hindi na muling magkita ang dalawa?

Ano ang gagawin ng magkasintahan para hindi sila paghiwalayin?

Napapanood ang One True Love sa GMA Telebabad pagkatapos ng Makapiling Kang Muli.

Read more...