SARAH natatakot kay GERALD, ayaw mabuntis ng maaga

Sey ng kanilang mga pamilya, maghinay-hinay lang  

MAY nakapagsabi sa amin na totoong pinaglalayo muna sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay naghiwalay na ang dalawa.

Sabi ng isa nating source, pinakiusapan daw muna sina Sarah at Gerald na huwag na munang masyadong maging lantad sa kanilang relasyon para na rin sa kani-kanilang showbiz career.

Bukod dito ay mismong ang nanay na raw ni Sarah ang nakiusap kay Gerald na maghinay-hinay muna sa sa kanilang anak.

In fairness, boto naman daw ang mga magulang ni Sarah kay Gerald pero mukhang hindi pa rin sila handang “ibigay” si Sarah sa hunk actor para maging girlfriend nito.

Balitang “bawal” na rin daw munang bumisita si Gerald sa bahay nina Sarah.“Alam naman ng pamilya ni Sarah ang tunay na relasyon ng dalawa.

Pero siyempre, priority pa rin ni Sarah ang career niya.

Kahit na gustung-gusto na niyang magpakaligaya sa piling ni Gerald, e, hindi pa rin pwede! In a way kawawa, pero para rin naman sa kanya ang ginagawang paghihigpit ng parents niya,” chika ng ating source.

“Tsaka hindi naman sa wala silang tiwala kay Sarah, pero siyempre, nandu’n pa rin ‘yung takot nila na baka one day bigla na lang mabuntis ang anak nila.

Kahit sabihin pa nating wholesome at parang hindi magagawa ni Sarah ang magpabuntis, hindi pa rin natin masasabi, di ba?” hirit pa ng ating kausap.

Well, may point naman.

Pero naaawa pa rin kami kay Sarah dahil napakarami pa rin niyang reservations pagdating sa lovelife.

Kung tutuusin, pwedeng-pwede na silang lumantad ni Gerald pero napakarami niyang iniisip na considerations, lalo na ang pamilya niya.

Pero siguro nga, tama lang ang desisyon ng Pop Princess na “magpakamanang” muna pagdating sa pag-ibig dahil nararamdaman siguro niya na posibleng mabaliw-baliw din siya sa lovelife kapag hindi niya pinigil ang kanyang panggigigil kay Gerald.

Pero mas bilib kami kay Gerald, imagine, talagang natagalan niya ang masalimuot na sitwasyon nila ni Sarah.

But the question is, hanggang kailan tatagal si Gerald?

Hindi kaya biglang magbago ang kapalaran kapag nagsimula nang mag-shooting sina Gerald at Kim Chiu?

Balitang malapit nang magsimula ang reunion movie ng dalawa under Star Magic at alam n’yo naman ang chika, hanggang ngayon daw ay mahal na mahal pa rin daw ni Kim ang kanyang ex-boyfriend?

Mismong ang aktor na ang nagsabi na talagang na-miss niya si Kim, “Sobrang excited ako, kailan ba ‘yung huling project namin, 2012 pa yata ‘yun? Medyo matagal-tagal na.

So, looking forward ako talaga sa pagtatambal namin uli.”

Nu’ng tinanong naman sang aktor kung ano ang masasabi niya sa pagli-link kina Kim at Xian Lim, “Labas na po ako du’n.

Kumbaga mahirap nang mag-comment.

Basta ang wish ko lang maging masaya siya, kung ano man ‘yun.”

Read more...