Spotlight: ANDREA, paano ba ang maging isang ina?


Ni Leifbilly Begas

ANG dating Viva Hot Babe member na si Andrea del Rosario ang unang umamin na nagbago na ang kanyang buhay.

Nawala siya sa eksena pansamantala nang manganak at mag-alaga ng kanyang anak na si Bea na ngayon ay dalawang taon na.

Aminado si Andrea na binago ni Bea ang kanyang buhay.

Nang lumabas sa mundo ang kanyang anak ay sinabihan siya ng mga doktor na mayroon itong jejunal atresia—ang kondisyon kung saan isa sa tatlong small intestine ng sanggol ay nakapulupot sa arteries ng colon.

“Bea went under the knife four times,” gunita ni Andrea. “She spent months in the hospital’s Intensive Care Unit.”

Kulang ang salita upang mailarawan niya ang kanyang nararamdamang awa sa kanyang anak na kinailangang sumailalim sa operasyon.“I didn’t dwell on the problem, though,” ani Andrea. “Otherwise, I couldn’t function.”

Ipinaalala niya sa kanyang sarili na dapat siyang maging matatag at patuloy na magiging matatag para sa kanyang anak. “Her smile kept me going.”

Matapos ang dalawang taon ay nakabawi na si Bea.

At makikita ang labas na tuwa ng kanyang ina sa maraming litrato na makikita sa condo unit na kanilang tinitirahan.
“Bea is a water baby; she loves the ocean,” saad ng aktres.

Ipinagagawa na ni Andrea ang beach house ng kanyang namayapang tatay sa Calatagan, Batangas kung saan mas mai-enjoy ni Bea ang dagat.

“Bea adores animals and is very sociable, too,” dagdag pa ni Andrea.

“She loves being surrounded by people. She’s a happy baby.”

Nitong mga nagdaang araw ay sumasama si Andrea sa mga medical mission at iba pang charity projects upang maipamahagi ang biyaya na kanyang natatanggap kasama ang lima niyang kaibigang doktor.

Nakapaghanda na siya ng 200 bag na may lamang notebook, lapis at iba pang school supplies para sa mga batang nangangailangan sa Batangas bilang pasasalamat sa paggaling ni Bea.

Humingi pa ito ng paumanhin sa “kalat” sa kanyang bahay. Maraming laruan sa iba’t-ibang bahagi nito.

Sa isang kanto malapit sa kainan ay mayroong playhouse. Paliwanag ni Andrea: “I wanted my own bahay-bahayan when I was a child.

We lived in Tagaytay and we had a small playhouse made of plywood. When I saw this playhouse in a mall, I immediately bought it for Bea.”

Hindi maitatanggi na ang bahaging ito ng bahay ay para sa bata. “She’s my boss,” saad ng ina. “And I don’t mind at all.”

Paano maging ina?
Inamin niya na naging mature siya dahil sa kanyang pagiging ina.

“You really become selfless after giving birth,” ani Andrea. “Before, when I was still single, my life was just about me, me, me.”

Ngayon ang kanyang buong mundo ay umiikot na lamang kay Bea.

“She gives me so much happiness. I don’t want to say that motherhood is challenging because it’s also fun.”

At dahil si Bea ay mayroong dietary requirement, pinasok na rin ni Andrea ang pagiging chef.

“There’s no milk, no ice cream in the ref. Bea cannot eat dairy products.

Now, I follow her special diet, too— protein-rich, a little rice, no fried food.”

Food business
Bukod sa pagiging ina, abala rin si Andrea sa kanyang negosyo ang pagpapalaki ng restaurant chain na Longganisa Sorpresa, showbiz at school work.

Kamakailan ay bumalik siya sa showbiz—sa soap opera na “Munting Heredera” ng GMA 7.

Sa susunod na buwan ay magtatapos siya ng Masters in Entrepreneurship sa Ateneo de Manila University. “I wanted to improve myself. It had been a while since I was last in school.”

Nag-aral siya ng Fine Arts major in Advertising sa St. Scholastica’s College habang habang kabilang sa Star Magic Batch 3 ng ABS-CBN kasama sina Piolo Pascual, Paolo Contis at Kaye Abad. “I was into the arts, painting and photography, then.”

Dalawang taon na ang nakakaraan, habang inaalagaan ang anak ay naging abala rin si Andrea sa pagpaplano ng kanilang kinabukasan.

“Before going into business with friends, I consulted Jay Bernardo, a professor from AIM (Asian Institute of Management),” naalala niya.

Hinikayat siya nito na pumasok sa two-year master’s degree program ng Ateneo.

Sabi ng estudyanteng ina: “It was nothing like what I studied in college.

It was a huge challenge, looking at financial reports, income statements and balance sheets.”

Kapag nagiging mabigat na ang buhay sa siyudad, palagi siyang pumunta sa Batangas para sa isang ‘sporty weekend.”

“Our biggest thrill there is coming up with the best snacks,” aniya. “One time, I saw a farmer selling Japanese corn by the road. I whipped up mais con hielo for my family.”

Ngayon isa na siyang restaurateur, natutuhan na rin niyang magluto at mag-bake. “When my daughter is older, we will make cupcakes together.”

Naging passion niya ang pagkain. “Our resto has a unique concept.

We serve the best longganisas from all over the country—from Lucban to Carcar, from Baguio to Cagayan de Oro.”

Kinukuha ni Andrea at ng kanyang mga partner ang pinakamasarap na suka —Iloko, mula sa hilaga, Paombong mula sa Bulacan, Sinamak sa Iloilo, Tuba sa Batangas, Pinakurat sa Iligan at Kaong sa Cavite.

“My mom supplies the Kapeng Barako (native coffee) in the store, too,” aniya.

“A balikbayan saw our vinegar bottles and asked if we could export.”

Ang konsepto ng resto ay napag-isipan niya habang bumibiyahe sa Espanya.

“Each city had its own specialty sausages in tapas restos. That’s how I came up with the idea.”

Ang Longganisa Sorpresa ay mayroong tatlong outlets—sa Mandaluyong, Pasig at SM North Edsa.

Matagal na umano niyang alam na siya ay business-minded. “I just never had the chance to nurture that side of me since I was into the arts.”

Hindi niya iniiwanan ang kanyang bahay sa San Juan dahil sa trabaho, pero ang Batangas pa rin ang kanyang kublihan.

“I really get to relax in Batangas,” aniya. “Nothing beats nature-tripping— lounging by the sea, watching my daughter run in the sand.”

Isa pang negosyo
Mayroon pa siyang isang naiisip na pasuking negosyo.

Ang kanyang malaking pangarap ay gawing resort ang kanilang beach house para sa mga dayuhan at lokal na turista.

Ang beach house na minana niya sa kanyang ama ay katabi ng Ronco Beach Resort, na pagmamay-ari ng kanyang tiyuhin na si Wilfredo del Rosario.

“I hope to develop my dad’s property,” ani Andrea. “That’s the long-term goal. It stands on a cliff, overlooking the ocean.”

Pansamantala, ginagamit muna niya ito para sa kanyang pamilya. “Out there, we enjoy life to the fullest.”

Beach house sa siyudad
Tila beach house naman ang kanyang bahay sa siyudad dahil sa mga dekorasyon.

“I wanted a modern Asian look,” aniya. “Eclectic, tropical.

I scattered seashells all over the condo to remind me of the beach house.”

Naglagay din siya ng maraming wooden décor at kagamitan upang maging maaliwalas ang lugar.

“Wood makes me feel close to nature.”

Kumokonsulta siya sa interior designer na si Ria Malig para sa professional advice. “Ria did the interiors of my restaurants.

She is also the decorator of Dingdong Dantes.”

Nabili niya ang dining set sa isang mall, at ang sofa sa isang malapit na tindahan.

Nakita naman niya ang Thai Buddha bust sa Kish.

Habang nasa Indonesia, bumili naman siya ng mga stone tiles at iba pang pandekorasyon.

“I installed some of the stone slates in our Batangas beach house, along with the gate lamps and sconces.”

Ang napapalamutiang carabao décor ay ginawa ng kanyang kaibigang artist na si Ricky Yabut.

Ang kahoy na gulong ay nabili naman niya sa Santa Rosa, Laguna. Sinabi ni Andrea na mahilig siya sa mga antique na lamesa at kabinet at “anything that’s made of wood.”

Sa Ikea Hong Kong, ay na-inlove naman siya sa bakal na upuan. “I hand-carried it back home,” anang napangiting si Andrea.

Nahanap naman niya ang outdoor sofa sa furniture expo sa SMX Mall of Asia at inilagay niya ito sa bahay sa Calatagan.

Bagamat mahal niya ang beach house, inamin naman niya na ang pagtira sa kanyang condo ay may kabutihang dulot.
“Security is number one on the list.

When I go abroad, I just turn off the electricity, lock up and not worry at all.

Maintenance is not a problem. It’s very convenient.”

Nananatili pa rin ang kanyang country girl heart. “I grew up in Tagaytay,” ani Andrea.

“My siblings and I took care of pigs and rabbits. We climbed trees.

I want Bea to experience those same things that I took for granted as a kid.” —Text at photos mula sa Inquirer

Read more...