P140M jackpot ng 6/55 Grand Lotto tatamaan na kaya?

grand-lotto
INAASAHANG  aabot sa P140 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Miyerkules ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, ang operator ng lotto sa bansa, walang tumaya sa mga lumabas na numerong 41-23-38-31-52-43 na binola Lunes ng gabi na may jackpot prize na P133.1 milyon.
Nagkakahalaga ng P35.8 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola. Kapag walang tumatama sa jackpot prize ay nadaragdagan ito.
Nanalo naman ng tig-P137,750 ang 13 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numeorng lumabas.
Nagkakahalaga naman ng P2,440 ang 585 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik-taya (P20) ang 12,834 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Grand Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.

Read more...