Ellen Adarna super wild sa kama; Maja lumaban sa hubaran | Bandera

Ellen Adarna super wild sa kama; Maja lumaban sa hubaran

Ervin Santiago - May 19, 2015 - 02:00 AM

ellen adarna

Samantala, kasama rin ang sexy star na si Ellen Adarna sa pelikulang “You’re Still The One” at sinasabi nga nito, tulad din ni Maja, sa wakas daw ay natupad na rin ang isa sa mga pangarap niya – ang makatrabaho si Dennis Trillo.

Matagal na kasing crush ni Ellen si Dennis kaya raw nang i-offer sa kanya ang pelikula at meron pang love scenes, hindi na siya nag-inarte pa – go kung go!

Kaya sa nakaraang presscon ng latest offering ng Star Cinema at Regal Films, kinuha ang reaksiyon ni Dennis tungkol sa pantasya ng mga kalalakihan na si Ellen, ano’ng feeling niya na maraming female stars ang gusto siyang makasama sa work?

“Feeling ko lang, ang tanda na ng dating ko na gusto nila ‘kong makatrabahong lahat,” natatawang tugon ni Dennis.
Hirit pa ng binata, “Natutuwa siyempre na kahit ilang taon na ‘ko sa showbiz…may ginagawa rin ako sa career ko na maganda kaya yung mga tao, gusto nilang makatrabaho ako.”

Anyway, inamin ni Dennis na mas wild ang mga love scene na ginawa nila ni Ellen sa kanilang movie, kesa sa mga bed scene nila ni Maja. In fairness, napakaswerte ni Dennis dahil dalawang babae agad ang naikama niya sa isang pelikula lang! Ha-hahaha!

Mismong ang aktor din ang nagsabi na mas palaban si Ellen sa kama kung ikukumpara sa mga ginawa nilang eksena ni Maja sa movie. So, alam n’yo na, ha!

Makakasama rin sa pelikula si Richard Yap, at ang mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, sa direksiyon ni Chris Martinez. Showing na ito nationwide sa May 27.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending