Problema sa droga kasalanan ng pulisya

NAPAKALAGANAP na raw ang droga sa Metro Manila, 92 porsiyento ng mga barangay sa national capital region ay infested with illegal drugs, ayon sa pulisya.
Malaking sakit sa ulo ito sa ating mga alagad ng batas.

Ibig sabihin 9 out of 10 barangays in Metro Manila have been penetrated by drug syndicates.

Ang problema sa droga ang nagbubunga ng iba pang problema sa krimen: akyat-bahay, panggagahasa, homicide, holdap sa kalye, bag-snatching at pickpocket.
Karamihan sa gumagawa ng krimen ay lango sa bawal na gamot. Manhid ang mga ito at hindi nangingiming pumatay kapag sila’y nagipit.

Kasalanan ito ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kapag nagkaroon kasi ang mga pulis o PDEA ng malaking catch o bulto-bultong shabu, itinatabi nila ang kalahati upang ipagbili.

Karamihan sa mga nahuhuli sa kalye ng mga pulis o PDEA ay “recycled drugs” o yung mga droga na mismong mga pulis ang nagpakalat.
Ganoon kabulok ang mga alagad ng batas natin.

Kamakailan, naiulat na maraming kasong nadidismis ng korte dahil hindi sumisipot ang ilang pulis upang tumestigo sa kanilang mga nahuling akusado.
Ang resulta, nakakawala ang mga drug pushers o traffickers upang maghasik muli ng kanilang lagim sa bayan.

Bakit hindi sumisipot ang ilang pulis sa korte upang tumestigo? Dahil sila’y nalagyan ng mga akusado.
Huwag umangal ang kapulisan na malaki ang problema sa droga sa Metro Manila dahil sila mismo ang may kagagawan ng problema.

The big problem of drugs calls for drastic solution.

Sa Davao City, matagal nang nalutas ang problema sa droga: Pinapatay ang mga drug pushers at traffickers.

Ang mga pulis na involved sa sindikato ng droga ay pinapatay sa kalye ng tinatawag ng Davao Death Squad o DDS. (Sinasabi nila na dapat daw ay tawagin ang kinatatakutang grupo ng Duterte Death Squad).

Of course, pinabubulaanan ni Davao City Mayor Rody Duterte ang paratang na siya’y nasa likod ng pananalvage ng mga pusakal na kriminal at drug pushers at traffickers.

Pero binibigyan ng warning ni Duterte sa radyo at TV ang mga masasamang-loob sa lungsod na magsilisan upang hindi sila mapahamak.
Ang mga pusakal na kriminal na hindi nakikinig sa warning ay natatagpuang patay sa kalye.
May isang lalaking nanggahasa at pumatay ng kolehiyala at pagkatapos ay sinaksak nito ng barbecue stick ang ari ng biktima.

Ang barbecue stick ay nasa ari pa ng pobreng biktima nang ito’y matagpuan.

Nahuli ang salarin. Alam ninyo ang nangyari sa kanya?

Ang mga pulyetos ng kanyang larawan ay ikinalat sa kalye ng lungsod. Nakadilat ang kanyang dalawang mata dahil marahil sa hirap na kanyang dinanas bago siya pinatay.
May nakatusok na pinagbugkos-bugkos na mga barbecue stick sa kanyang dibdib.

Nakalagay sa pulyetos: Ang taong ito ay gumahasa at pumatay ng isang kolehiyala. Ito ang sasapitin ng ibang masasamang-loob kapag hindi sila nagbago o umalis sa lungsod.

Ilang taon na rin ang nakararaan nang ilang Mainland Chinese ay nahuli ng mga pulis na nagma-manufacture ng droga sa lungsod.

Lahat sila ay napatay dahil daw sa pakikipagbarilan sa mga pulis.

Ang kanilang mga bangkay ay ibinigay sa isang medical school sa lungsod upang mapag-aralan ng mga medical students.

Ngayon, tatanungin pa ba ninyo kung bakit ang Davao City ay itinanghal na 9th safest city in the world?

Read more...