Inaaya na ng BF na mag-sex

Sulat mula kay Ms. Libra ng Gladiola St., Buhangin, Davao City

Dear Sir Greeenfield,

May boyfriend ako sa ngayon at inaaya na nya akong mag-sex kami kasi raw mahal na mahal nya ako at malapit na raw siyang mag-abroad. May pangako rin siyang sa pagbabalik daw niya galing abroad ay magpapakasal na kami.

Ang gusto ko ngayon malaman Sir Greenfield ay kung dapat ba akong magtiwala sa kanya, na papakasalan nya ako sa oras na makabalik siya galing abroad?

Ang sabi pa kasi nya sa akin ay malapit na raw siyang umalis kundi raw May ay sa June sa taon ding ito, kaya bago daw siya umalis ay mag-sex na kami.

Ang isa ko pang tanong ay kung makakaalis na kaya siya at kami na kaya ang magkakatuluyan. Tapat kaya siya sa akin at ako lang kaya talaga ang kanyang babae na minamahal at papakasalan? October 7, 1991 ang birthday ko.

Umaasa,
Ms. Libra ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang magiging boyfriend mo ng seryoso at totohanan, malaki ang posibilidad na siya na rin ang last hanggang sa siya na rin ang iyong makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng isang simple at masayang pamilya.

Cartomancy:

Five of Clubs, Ten of Hearts at Jack of Diamonds (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing kung kasing edad o kasing tanda mo rin ang iyong boyfriend o kaya’y mas matanda siya sa iyo ng 5 o 10 taon, tiyak na siya na ang iyong makakatuluyan at sa sandaling nakatuluyan mo siya, uunlad at yayaman ang itatayo nyong pamilya.

Itutuloy…

Read more...