Pag-aabroad na lang ang tanging inaasahan (2)
Sulat mula kay Julie Anne ng Savana Bucana, Davao City
Problema:
1. Pito kaming magkakapatid at ako ang panganay, ulila na kami sa ina at ang tatay naman namin ay walang trabaho. Mula kasi nang mamatay ang nanay namin dahil sa sakit, wala nang ginawa ang aming tatay kundi ang maglasing hanggang sa natanggal siya sa kanyang trabaho. Sa ngayon ako na lang inaasahan ng mga kapatid ko, kasi may trabaho ko kaya lang tindera lang sa palengke. Kaya sa ngayon nag-aaplay ako abroad kahit DH lang dahil hindi naman ako nakatuntong ng kolehiyo.
2. Naisipan kong kumunsulta sa inyo upang itanong kung may pag-asa ba akong makapangibang bansa at kung matutuloy ako magiging maganda naman kaya ang kalagayan ko sa ibang bansa at mabibigyan ko kaya ng magandang kinabukasan ang mga kapatid ko na nakababata sa akin? July 19, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Julie Anne ng
Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing sa tulong ng isang kaibigan o kakilalang lalaki na isinilang sa zodiac sign na Scorpio, mabilis ang magaganap sa taon ding ito ng 2015, matutupad ang iyong pangarap, makapangibang bansa ka.
Numerology:
Ang birth date mong 19 ay nagsasabing pagkatapos ng mga kamalasang sinapit, tulad ng pagkamatay ng iyong ina at pagkawala ng trabaho ng iyong ama, sunod-sunod na suwerte naman ang magiging kasunod. Basta ang mahalaga, patuloy ka lang magsikap, at umasa. Mapalad ka sa pakikipagkaibigan sa mga taong isinilang sa petsang 7, 16, 25, 4, 13, 22, 31, 2, 11, 20 at 29. Sila ang makakatulong sa iyo sa lahat ng bagay at sa lahat ng iyong mga pangangailangan.
Luscher Color Test:
Bukod sa nabanggit ng mga numero sa itaas, mapalad ka rin sa kulay na berde at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng suwerte at dagdag pang magagandang kapalaran kung ito ay lagi mong gagamitin.
Huling payo at paalala:
Julie Anne ayon sa iyong kapalaran sa tulong ng isang lalaking isinilang sa sign na Scorpio, tiyak ang magaganap makapag-aabroad ka bilang D.H. at ito ay nakatakdang maganap sa taon ding ito ng 2015 sa edad mong 27 pataas, sa isang bansa na sakop din ng kontinente ng Asia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.