BALIW na baliw talaga si Phil Younghusband sa alindog ni Angel Locsin.
Ha-hahaha! Alindog talaga, ha! Aminado ang football player na ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klase ng kaligayahan nang dahil sa isang babae.
Sa interview ng BANDERA kay Angel kamakailan, inamin nito na si Phil ang nagpapaligaya nang sobra-sobra sa kanya.
At ngayong official na ang kanilang relasyon, mas tumindi pa raw ang pagmamahal niya sa binata.
Ayon naman kay Phil, “It’s great. Masaya, masaya.
We have always been happy but now we are more happy that it’s a great feeling.
Ang sarap ng feeling na official na and we are in love.”
Sa isang interview, sinabi ni Phil na inabot din ng isang taon ang panunuyo niya kay Angel, “Kasi gusto ko talaga na maging perfect yung setting, perfect yung situation, and location. It’s timing and things like that and it was just a good time to be together and to be official.
Sobra-sobrang in love ako! It is an amazing feeling. We are so in love!”
Sa kabila ng mga problemang pinagdaanan niya, kabilang na ang pagkamatay ng kanyang ina, ay nananatili siyang positive, “Being under the public eye mas may responsibility na and be effective in a more positive way.
I think it made me grow up fast as you see my parents are no longer around but now I have positive people in my life, friends, family, and Angel and I think that is making me a better person.”
Tungkol naman sa issue ng pagpapakasal, “Lagi kong sinasabi na my future is with Angel and that is still the case and it’s a matter of I want it to happen but lets see what happens.”
At feeling namin, hindi naman magsasalita pa si Phil tungkol sa isyu ng pagpapatuli.
May balita kasi na sinamahan pa raw siya ni Angel nang magpatuli sa isang hospital at pagkatapos daw nito ay saka siya sinagot ng dalaga.
Totoo man ito o hindi, ang mahalag, opisyal na silang magkarelasyon. Ha-hahaha!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.