CRISTINE kay ARA: Hindi ako titigil sa paghingi ng tawad sa ate | Bandera

CRISTINE kay ARA: Hindi ako titigil sa paghingi ng tawad sa ate

- July 01, 2012 - 03:11 PM

Pagkatapos sabihing kaplastikan ang pagso-sorry sa TV

Alam ni Cristine Reyes na maraming tao ang naiinis ngayon sa kanya nang dahil sa away nila ni Ara  Mina.

Aware ang sexy actress na mas maraming kumakampi sa kanyang kapatid kesa sa kanya.

Kaya ang pakiusap ni Cristine, sana raw ay huwag naman daw siyang husgahan agad ng mga tao, humingi na nga raw siya ng sorry sa kanyang ate, on national television, pero hindi nga ito tinanggap ni Ara.

Para sa kanya, totoo at sincere raw ang paghingi niya ng tawad sa kanyang kapatid.

“Nakakalungkot na may humuhusga na sa akin, lalo na sa pagiging sincere ko.

Wala naman po sigurong tao ang ayaw na nagkakasundo ang kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang sariling pamilya,” ayon sa statement ni Cristine.Nasa London ngayon ang aktres dahil may mga shows siyang gagawin doon, kasama ang ilang Kapamilya stars.

Pero nangako raw ang aktres na sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay muli siyang gagawa ng paraan para magkausap sila ni Ara.

Peace of mind ang dasal ni Cristine ngayon para sa kanilang magkapatid.

At promise pa ni Cristine hindi raw siya titigil sa paghingi ng tawad kay Ara hanggang sa ma-feel ng kanyang ate ang kanyang pagiging sincere.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending