Michael Pangilinan: Bukas baka maging sexy star na ‘ko!

michael pangilinan

SUPER busy ang grupong Harana Boys ngayon dahil kabi-kabila ang kanilang engagements. The group is composed by Joseph Marco, Brian Santos, Marlo Mortel and Michael Pangilinan for Star Music.

And gosh sila ang kinuha ng anak-anakan nating concert producer na si Joed Serrano para mag-front act para sa super-sikat na Boyzone sa Smart Araneta Coliseum this coming May 26.

Nakakatuwa dahil as of last week ay more than 50 percent na ang tickets sales nito sa gitna ng mga naglalakihang foreign acts sa bansa.”Nakaka-flatter dahil kahit new group lang kami ay pinagkatiwalaan nila kami to open the show.

Kaya heto kami, rehearse kami palagi ng grupo. Ayaw naming padehado sa Boyzone siyempre, di ba? Ha-hahaha! Kahit konting palakpak lang, okay na sa amin kasi kami naman ay makikipalakpak din sa Boyzone. Ha-hahaha!” biro ng anak nating si Michael Pangilinan na sobrang busy rin in his own right.

Kung paguwapuhan naman ay panalo ang Harana Boys compared to Boyzone, di ba? Pati sa edad. Ha-hahaha! Pero siyempre, iba rin naman ang Boyzone, walang comparison sa Harana dahil seasoned performers ang mga ito and very big sa buong mundo.

Kaya napakalaking opportunity para sa Harana Boys to be part of this Boyzone event sa Araneta.Ngayong araw namang ito ay iikot sa dalawang malls ang Harana Boys as part of their album promo.

Nasa SM North Edsa sila ngayong 4 p.m. at sa SM Manila naman by 6 p.m. They will have foto-ops and autograph signing with their fans right after their performances.

“Kung ilang mall shows na sila, ganoon din karami na ang album namin ng Harana Boys. Kasi nga, hindi ka makakapasok sa audience pag wala kang album. Ha-hahaha! Siyempre, suporta namin ito sa baby naming si Michael.

Since kasama siya sa Harana Boys, love na rin namin ang other members nila. Ang saya nga pag nagsama sila dahil lahat ng mga fans ay nagsasanib-puwersa kaya daming tao palagi,” ani Singkit, presidente ng fan club ni Michael.

Apat na songs ang normal na kinakanta ng Harana Boys sa mga mall shows nila. Ganda ng blending nila actually and since mga pogi nga, kaniya-kaniyang hakot ng fans.

Nakakatuwa – ayaw magpatalbog ng fans ng bawat isa. But of course they’re all mag-friends na. Walang patalbugan – suporta-suporta lang sila.

Sayang nga at hindi gaanong nabubuo ang schedule ng apat na members dahil may kaniya-kaniya silang respective schedules din, eh. Si Michael ay sobrang busy sa kaniyang mga singing engagements and some other important affairs.

Yung tatlo naman ay may kaniya-kaniyang shootings, tapings, etcetera. Masuwerte nga sila dahil naaayos pa rin ng Star Music ang appearances nila. At ang maganda sa grupo ay hindi sila nagsasapawan – they help each other.

Ang nakakatuwa sa kanila, mas preferred nilang magsama-sama sa isang sasakyan pag nagmo-mall show sila. Kahit may kaniya-kaniya silang mga sasakyan, iniiwan nila ito somewhere at nagsasama-sama sa isang van at magkukulitan.

Ang cute nilang tingnan habang nagkukulitan – mga lokohang walang patumangga.Sina Michael and Joseph kadalasan ang magkakasama dahil busy kadalasan si Marlo sa taping niya for a TV show.

Sina Brian and Michael naman ay parehong co-host ni DJ Chacha sa MOR 101.9 on weekdays. Joseph naman is busy with some films. Kaya ang hirap pagtagpuin ang skeds nila actually.

Anyway, speaking of Michael naman, he is the most busy kung tutuusin dahil singer ito. This May ay super-booked siya with singing engagements. Halos wala nang paglagyan ang schedule niya ngayong May.

Mamayang gabi ay special guest si Michael sa 31st anniversary ng Music Box sa kanto ng Timog and Quezon Ave.
On May 23 he will be in Butuan for an iFM event.

May 25 ay nasa Calauag, Quezon siya for a show. May 26 sa Araneta for Boyzone with co-Harana members. May 27 ay guest performer siya sa B-Naked event sa Music Museum.

Sa May 29 ay nasa Iloilo si Michael with AJ Tamiza and Le Chazz for a fund-raising concert para sa PNP. Sa May 31 ay nasa San Lorenzo Village, Makati siya for a private party.

June 6 and 7 ay magpu-front act si Michael for the Grammy-awardee Pentatonix sa Araneta Coliseum and Waterfront Hotel (Cebu) respectively. Months of July, August and September ay featured artist siya ng Pagcor sa iba’t ibang cities sa Pilipinas.

Sa August 29 naman ang major Kilabot concert niya sa Music Museum. Inaayos pa namin ang sked niya for the musicale “Kanser” ng Gantimpala Theater Foundation where he will play the lead as Crisostomo Ibarra na ipalalabas sa more than 50 schools nationwide.

By September ay tuloy na ang kanilang US tour ni Marion Aunor and other artists. We are also scheduled to do two shows in Darwin and Sydney, Australia this year.

“I thank God for all these blessings. I promise to do every best I could. Huwag kayong mag-alala, lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko. Ngayon regular na rin akong nagdyi-gym, malay niyo, bukas-makalawa, sexy star na ako. Ha-hahaha!” biro ni Michael.

Read more...