Vice kay Atom: Bet ko siya pero hindi naman ako papatulan nu’n!

vice ganda
ALAM naman daw ni Vice Ganda na hindi siya papatulan ng ABS-CBN news reporter-TV host na si Atom Araullo.

Naging usap-usapan kasi kamakailan ang “relasyon” ng dalawa matapos silang magpa-litan ng “I love you” sa isang episode ng It’s Showtime.

Nu’ng isang gabi sa live episode ng Aquino And Abunda Tonight, inamin ni Vice na matagal na niyang “gusto” si Atom, “Super bet ko kasi siya, pero hanggang crush lang. Hindi naman ako papatulan nu’n, hello!”

Hirit pa ng TV host-comedian, “Nu’ng nagkukuwentuhan kasi kami sa Showtime, in-on the spot ako ni Vhong (Navarro), ‘Oy, may kuwento ka.’ Pero wala naman akong kuwento. So, on the spot, bumuo ako ng kuwento.

“Sabi ko, may napanaginipan ako, may napanood akong ganyan. Tapos sinabi ko yung pangalan, Atom Araullo.“Tapos nasa side si Kuya Kim (Atienza), tinatawagan na pala niya si Atom Araullo.

Ini-speaker phone niya, tapos nag-usap kami. “Sabi ko, ‘Atom, I love you.’ Tapos nag-‘I love you’ din siya. At Hindi ko naman siya masisisi!” natawang sey pa ni Vice.

Pero wala naman daw talagang namamagitang “something” sa kanila ni Atom, “Mabait ‘yon. Mabait si Atom Araullo.”

 

Read more...