Angelica sa namatay na ina: Alam ko, ang damot-damot ko!

angelica panganiban

Naging emosyonal ang Pangako Sa ‘Yo kontrabida na si Angelica Panganiban sa paggunita ng 2nd death anniversary ng kanyang adoptive mother na si Melania David Panganiban na namatay noong May 14, 2013.

Ayon sa Kapamilya actress, nag-post siya ng litrato sa Instagram at nilagyan ng mahabang caption para sa kanyang nanay dahil baka raw may internet sa langit at mabasa nito ang kanyang mensahe. Narito ang touching message ng aktres.

“Hi mommy. Sakto lang sa mga oras na to, 2 years ago. Iniwan mo na kami. Nagpahinga ka na. At ayaw mo ng mahirapan. Nagbabakasakali lang akong may internet sa Heaven. At mababasa mo ‘to.

Alam mong, walang araw ang nakalipas na di ka sumagi sa isip ko. “May mga gabi na bigla na lang akong iiyak, kasi alam kong kahit anong gawin ko, hindi na kita mayayakap ulit.

Hindi ko na ulit maririnig mga kwento mo. Sinusubukan kong ibalik ang direksyon ng buhay ko. And this time, seseryosohin ko na. Sa tamang panahon, magkikita ulit tayo. At ang gusto ko lang, maging proud ka sakin.

“Sa mga naging desisyon ko sa buhay. Sa pag aalaga ko sa sarili ko at kila mama. Kaya alam kong d ko pa time, kasi wala pa kong mapagmamalaki sayo…

Alam ko ang damot damot ko, dahil hindi pa rin kita kayang pakawalan. Binigla mo kasi ako. Ang bilis bilis ng pangyayari. Hindi ka nagpayakap sakin one last time. I love you mommy. And I miss you!”

Read more...