NANAYO ang balahibo namin nang i-proclaim na grand winner sa katatapos lang na Asia’s Got Talent ang napakahusay na dance group na El Gamma Penumbra sa Singapore. Apat na Pinoy performers ang nakapasok sa grand finals at tinalo sa huli ng El Gamma Penumbra ang entry ng second placer from Mongolia.
In fairness naman kasi sa El Gamma Penumbra, I’ve watched their performance sa YouTube at sobrang ganda naman talaga ng kanilang shadow dance number. Malinaw pa ang message about our environment ng kanilang theme. Nakakapangilabot sila sa husay.
In fact, napaiyak pa ang isang judge ng show na si Angun. And take note, these boys from my super-loved Tanauan, Batangas ay galing sa mahihirap lang na pamilya pero nakuha pa nilang mag-donate ng part ng kanilang prize-money (US$100,000) sa Home for the Aged. Nakaka-touch, di ba? Very humbling. Samantalang may ibang champions daw from the Philippines na bilyon ang inuuwing pera pero wala man lang ganoong humility.
Kung tutuusin ay magkano lang naman iyon pag pinaghati-hati pa nila sa grupo, pero iyon daw ang kanilang paraan para maibalik ang blessings na ibinigay sa kanila ng Panginoon.
Pustahan tayo, oh. Pagdating nila rito sa bansa natin ay magkukumahog na naman ang mga TV networks para kunin sila for their programs.
Kasi nag-champion na pero nu’ng nandito pa ang mga bata, ni hindi nga nila maimbitahang mag-guest sa mga shows nila. Maraming salamat kamo sa pagtitiyaga ng kanilang manager na si kafatid na Dong Pilotos na balita namin ay hindi kinaya ang sobrang tension at excitement nu’ng tawagin ang El Gamma Penumbra as grand winner. Isinugod daw ito ng medics sa isang clinic sa Singapore. Hope Dong is fine now.
Masyado lang siguro na-stress ang kaibigan natin.
Congrats, El Gamma Penumbra. Sana ay bigyan sila ng government natin ng incentive for giving honors to the Philippines. Pati na rin yung ibang Pinoy finalists like Gherfil Flores, Gwenneth Dorado at New Junior Systems, dahil sila ang tunay na nakaka-proud. Kung si Manny Pacquiao nga binigyan nila ng bonggang salubong, why not these kids, di ba?