Matapos ang mga pasabog noong huling linggo, dalawang episode na lang ang natitira bago magtapos ang unang season ng RisingStars Philippines.
Nagbalik ang dating kalahok na si Victoria Ingram sa Challenge-a-Star, at nagtagumpay ito na palitan si Mia Derilo. Nakapasok din siya sa Top 5, kasama nina Krezia Mae Toñacao, Lee’Anna Layumas, Remy Luntayao, at ang back-to-back Shining Star na si Rocelle Solquillo.
Apat lang ang mananatili, at ngayon, sila ay pipili ng awitin na masasabing soundtrack o theme song ng buhay nila. Para makapasok sa Grand Finals, kailangang maging malakas ang dating ng performance nila at tumatak sa utak ng mga hurado.
Sino kaya sa kanila ang makakakuha ng kauna-unahang titulo ng RisingStars Philippines? Sino ang makakapasok sa Final Four? Abangan ang huling dalawang episode ng
RisingStars, ngayong Sabado, Mayo 16, 10PM sa TV5.