Sikreto ni Duterte sa tahimik na Davao City: Patayin ang kriminal

DAVAO CITY —“Patayin silang lahat.”

Ito umano ang sikreto ng Davao City kung bakit kinilala ito bilang ikasiyam na pinakaligtas na siyudad sa mundo, ayon kay Mayor Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Duterte na upang maging ligtas ang isang lungsod, kailangang maging malupit sa mga kriminal.

“You rape a child in my city? Papatayin kita, walang problema sa akin iyan,” aniya sa Workplace Advocates on Safety in the Philippines Inc. (Waspi) convention.

“You commit robbery, hahaluan mo ng rape? Papatayin kita,” dagdag niya..

“We’re the 9th safest city, how do you think did I do it? How did I reach that title among the world’s safest cities?” tanong niya.
Ang kanyang sagot: “Kill ‘em all.”

Kamakailan ay pinarangalan ang Davao City bilang “world’s 9th safest city” ng crowd-sourcing site na www.numbeo.com.

Idinagdag ni Duterte na maging si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ay humingi ng payo sa kanya hinggil sa peace and order sa bansa.

Sinabi umano niya rito na makatutulong kung hindi sasantuhin ang mga kriminal.

“But the best practices in the city, Ma’am, are the killings,” dagdag umano ni Duterte.

Wala rin umano siyang pakialam kung tatambakan siya ng kaso ng Commission on Human Rights (CHR) kung ang kapalit naman noon ay katahimikan.

“Why should I be afraid to go to prison?” aniya.

Read more...