NAKAKALOKA ang kuwento tungkol sa isang young actress na nakipag-break sa isang guwapong aktor. Sa sobrang sama ng loob ng girl ay kung anu-anong pasaring ang ipino-post niya sa kanyang social media account.
Huwag siyang magdedenay, kilalang-kilala siya ng kanyang mga kasamahan, basta masama ang kanyang loob ay idinadaan niya ‘yun sa pagpo-post ng kung anu-anong reaksiyon sa FB niya.
Pero ang nakakaloka, isang araw ay biglang nagpunta sa bahay ng guwapong aktor ang young actress, wala na sila at masamang-masama ang loob niya sa kanilang paghihiwalay pero nakipaligo siya sa bahay ng nakahiwalay niyang aktor.
Kuwento ng aming source, “Ano ‘yun? Nag-show raw kasi siya sa isang place na malapit lang sa tinitirhan niyang condo. Ang lapit-lapit ng tirahan niya, pero bakit sa house pa nu’ng ex niya siya nagpunta para makipaligo?
“Common sense naman, madadaanan niya ang unit niya, makakapaligo siya du’n, pero bakit pa siya bumiyahe nang malayo para lang makipaligo siya?
“Ano ang ibig sabihin nu’n? Nakipaligo siya sa house ng nakahiwalay niyang boyfriend, samantalang mas una niyang madadaanan ang unit niya mula sa place kung saan siya nag-show!” madiing kuwento ng aming impormante.
Heto na. Pagkatapos lang nang ilang araw ay gumawa na naman ng bagong drama ang young actress. Bigla niyang ipinaglantaran sa publiko na may bago na raw siyang ka-date, mula raw sa showbiz family ang lalaki, pero ayaw mag-artista dahil iba ang linya nito.
Patuloy ng aming source, “Nakakalokayda siya, kapapaligo lang niya sa bahay ng ex niya, pero agad-agad, may bago na siyang ka-date at very close na raw sila ng guy? Napakabilis niya namang magpalit ng boyfriend?
“Alam kaya ‘yun ng father niya na pagkahigpit-higpit? Parang nakakulong sa hawla ang girl na ito sa sobrang higpit ng kanyang daddy,” pagbibigay pa ng clue ng aming impormante.
Kilalang-kilala niyo kung sino ang bumibidang young actress sa ating kuwento.