Very good looking actor na nasa “chubby list” nilait ang sarili para di na i-bash ng iba

LET us talk about this very good looking actor na medyo nasa “chubby list” din for a long time now.

Despite his efforts na maging fit at magmukhang hunk gaya ng contemporaries niya, lagi raw nauuwi sa dating timbang at nasisisi pa ang pagkakaroon niya ng big bone structures.

Sa isang event na naimbitahan itong mag-serenade ng mga beauty contestants, kapuna-puna nga ang pagiging tabatsingtsing nito habang sinusubukan nitong pakiligin ang mga tao, siyempre kasama na ang mga contestants.

Naging obvious ang hitsura ni good looking actor everytime na tatabi ito sa mga lady contestants dahil hataw naman talaga sa mga kaseksihan at ganda ng katawan ang mga kinakantahan niya kaya’t ang ending, ginawa na lang nitong “butt of joke” ang sarili lalo pa’t “waley” na maituturing ang kanyang boses (kumpara sa mga singers talaga at mga tinatawag na balladeers) na ginawan pa niya ng excuse na,

“Namamalat kasi ako at may ubo’y sipon pa.”

In fairness tropang Bandera, naaliw sa kanya ang audience dahil siya na itong nanlait sa sarili niya! Ha-hahahaha!

Sino nga kaya siya?

 

Read more...