El Gamma Penumbra wagi sa ‘Asia’s Got Talent’: buong Batangas, PH nagdiwang
MGA Pinoy ang tinanghal na champion sa reality show na Asia’s Got Talent Huwebes ng gabi.
Bago pa pormal na itanghal ang pagkapanalo ng grupong El Gamma Penumbra ay umikot na sa social media ang pagkapanalo ng grupo mula sa Tanauan City, Batangas, matapos mag-leak ang ang ulat sa pagkakapanalo ng grupo.
Tinalo ng El Gamma ang siyam na finalist kabilang ang isa pang dance troupe mula sa Pilipinas na Junior New System at dalawang Pinay na singer na sina Gerphil Flores at Gwyneth Dorado. Dinaig din nito ang mga kalahok mula sa Thailand, Japan, China at Mongolia.
Mula sa 10, pinili ang top 6 na kinapalooban ng El Gamma, Flores at Junior New System at tatlong kalahok mula sa ibang bansa.
At mula sa anim, ay pinili ang top 4. Pasok si Flores at ang grupo mula sa Batangas; at naging top 3 at doon pumasok muli si Flores, ang El Gamma at ang grupo mula sa Mongolia.
Mula sa tatlo ay pinili ang last two at doon ay hindi na nakasama ang singer na si Flores.
Tatanggap ang champion ng cash prize ng US$100,000 at pagkakataon na makapag-perfomr sa Marina Bay Sands.
Ang pagkapanalo ng grupo ay mula sa boto ng mga manonood sa pamamagitan ng SMS, Facebook, at sa official app ng programa.
Dahil sa pagkakapanalo ng grupo, agad-agad na nagpalabas ng pagbati ang buong Batangas sa pangunguna ng gobernador nito na si Vilma Santos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.