KANYA-KANYANG taste lang talaga iyan. Hindi mo puwedeng ipilit kung sino ang gugustuhin ng isang tao ayon sa whims mo. Like for example, pilit na pinaghahambing ng netizens sina Daniel Padilla at James Reid in many ways.
Siyempre, magkaiba naman ang personality ng dalawang iyan. They’re different, though parehong matinee idol ang kanilang image. Kung kasikatan, di-hamak na mas sikat naman si Daniel kaysa kay James – kahit ang loveteam na KathNiel ay mas nakauungos compared sa JaDine. That’s a given. Pero on some personal notes, meron din kaming choices kahit sabihin pang mas close kami kay Daniel.
Eto ang aming mga punto. Sa kaguwapuhan, kaniya-kaniya ng taste ‘yan. Para sa akin, mas type ko ang kaguwapuhan ni Daniel. Iyan ang mga tipo kong mukha na gusto kong iuwi sa bahay. Pero sa kamachohan – meaning sa kaseksihan, oozing with soooo much sex appeal si James para sa akin compared to Daniel. Kasi nga, nakitaan ko na ng little flesh si James sa ilang photos niya while Daniel is sooo balot na balot.
Iba ang abs ni James – para sa mga bading, super-yummy ito. Masyado kasing wholesome ang packaging ni Daniel kaya iba talaga ang dating niya, pero malay natin, pag naglabas na siya ng katawan one day – baka mas nakakajelya siya, di ba? Di pa kasi natin nasisilip, eh. Ha-hahaha!
As actors, wala pa silang napapatunayang dalawa. Pareho lang silang pa-cute though may konting lalim daw itong si James.
Except for this movie nilang “Hopeless Romantic” na ayon sa isang friend kong nakapanood na ay chaka raw. Compared to his past films daw, itong “Hopeless Romantic” daw ang pinakapangit na pelikula ni James Reid.
Ewan ko ba sa mga producers nito, hindi nila iniisip ang magandang maiu-offer sa kanilang manonood – yung mapakinabangan naman sana nang maayos hindi yung basta kina-capitalize na lang nila ang movie sa popularity ng kanilang mga alaga. That’s so exploitative in many ways huh!
Si Daniel naman is better with loveteam Kathryn Bernardo, even in terms of box-office appeal. One writer/friend said in a chikahan na lahat halos ng pelikula ni Daniel kasama ang other Padilla family members ay monumental flops. Grabe naman kung maka-describe itong friend namin, puwede namang flop lang pero para sabihing monumental flop ay parang mabigat pakinggan. Kaloka!
If you were to ask me now kung sino ang mas gusto ko, I go for James Reid kasi mas malakas ang appeal niya para sa akin. At medyo class ang dating. Hindi ko sinasabing baduy si Daniel ha, he is very handsome and very lovable, mind you – pero choice ko lang ito for myself. Sobrang sexy ng dating kasi ni James for me, bading na bading ang pananaw ko, di ba? Ha-hahaha!
Kaya maganda itong competition sa dalawa, very healthy at magkaiba ng dating. Yung parang William Martinez and Gabby Concepcion dati. Si Daniel ang William at si James ang Gabby. Mas sosyal ang dating that time ni Gabby kaysa kay Daniel kaya mas feel namin. Kayo, sino ang mas feel ninyo? Paki-explain.