Mommy D. umalma sa paniningil ng buwis sa kanya ng BIR

Mommy D.

Mommy D.


UMALMA ang nanay ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Dionisia Pacquiao na mas kilala bilang Mommy D. sa paniningil sa kanya ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pagsasabing hindi naman siya kumikita.
Naghain ng petisyon si Pacquiao sa Court of Tax Appeals na kumukuwestiyon sa ginawang tax assessment sa kanya ng BIR Region 18.
Nagsimula ang imbestigasyon kaugnay ng kanyang pananagutan sa hindi pagbabayad ng buwis noong 2013 sa kasagsagan ng P2.2 bilyong tax evasion laban sa kanyang anak.
Noong Hulyo 2013, naghain si Pacquiao at asawang si Jinkee ng petisyon na humihiling sa Tax Court na repasuhin ang tax evasion laban sa kanya.
Sinabi ni Pacquiao na nagulat siya nang sabihan siya ng secretary ng anak na iniimbestigahan din siya ng BIR.
Idinaagdag ni Pacquiao na paano siya magbabayad ng buwis gayong wala naman siyang trabaho, walang kita, walang pag-aaring gusali at umaasa lamang sa suporta ng kanyang mga anak.
May petsa ang petisyon ni Mommy D na Abril 17 ngunit natanggap lamang ito ng Tax Court noong Mayo 8. Hindi pa nagtalaga ang Tax Court ng division na hahawak sa petisyon ni Mommy D.

Read more...