PNoy: Mga kandidatong nais mapasama sa lineup ng LP dumadagsa

PNoy

PNoy


IBINUNYAG ni Pangulong Aquino na patuloy ang paglapit sa kanya ng mga pulitiko na nais mapasama sa mga kandidato ng Liberal Party (LP) para sa 2016 elections.
“Meron pang mga iba at marami rin bilang sila na ang nagsasabi sa akin na interesado sila sa ganitong puwesto,” sabi ni Aquino sa panayam ng Bombo Radyo.
Tumanggi namang sabihin ni Aquino kung sino-sino ang mga mapapasama sa listahan ng mga tatakbong senador sa ilalim ng LP.
“Ang problema ko kapag nagbanggit ako ngayon, ‘yung mga hindi nabanggit palagay ko tatawagan ako mula mamaya hanggang election day,” ayon pa kay Aquino.ani PNoy.
Idinagdag ni Aquino na patuloy ang pag-uusap sa pagitan niya at ni Sen. Grace Poe matapos kumpirmahin na nililigawan niya ang senador. (John Michael Tamayo)

Read more...