PINAKAWALAN na ang isang guro matapos dukutin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Jolo, Sulu.
Kinilala ang guro na si Reynadeth Bagonoc-Silvano, 31.
Agad na dinala si Silvano ng isang concerned citizen sa headquarters ng Armed Forces of the Philippines’ Joint Task Group Sulu (AFP-JTGS) para sa debriefing, dokumentasyon at medical check-up, sabi ni Col. Alan Arrojado, commander ng AFP-JTGS, sa text message na ipinadala sa Inquirer.
Ililipat si Silvano sa Zamboanga City ngayong araw.
“She was released by her captors because of continued law enforcement operations in Indanan, Parang and Sulu areas,” sabi ni Arrojado.
Samantala, nasa kamay pa rin ng mga dumukot ang kapatid ni Silvano na si Russel Bagonoc, 22.
Dinukot ang magkapatid sa Brgy. Moalboal sa Bayan ng Tulusan, Zamboanga Sibugay habang papunta sa Tuburan Elementary School noong Marso 15 ngayong taon. (Shane Salandanan)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.