Makapag-aaral pa ba sa darating na pasukan? (2)

Sulat mula kay  Maribel ng San Vicente,  Liloan, Metro Cebu

Problema:

1. Magdadalawang taon na po akong gradueyt ng high school at magdadalawang taon na din pong istambay lang sa bahay. Gusto ko sanang magpatuloy ng college ang kaso marami po kaming magkakapatid habang ang nanay ko naman ay nagkakatulong lang. Ang tatay ko naman po ay isang konstraksyon worker kaya lagi ding walang trabaho. Ako po ay pang-apat sa walong magkakapatid.

2. Pangarap ko pong makapag-college kaya lang puro pangako na lang ang nanay at tatay ko sa akin, hindi naman po tinutupad. Sa edad ko po bang ito na 18 years old na sa darating na June 7 may pag-asa pa kaya ako makapasok sa college? Sa ngayon dito lang ako sa bahay ako po ang nag-aalaga ng maliit kong mga kapatid.

Umaasa,
Maribel ng Metro  Cebu
Solusyon/Analyssis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Gemini (Illustration 2.) ay nagsasabing sa tulong ng isang lalaking Libra sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng June o kaya’y July magkaka-trabaho ka at ang trabaho mong ito ang magiging simula upang sa susunod na taong 2016 matutupad mo na ang pangarap mong makapagpatuloy ng pag-aaral.

Numerology:

Ang birth date mong 7 ay nagsasabing bukod sa Libra ng zodiac sign ng lalaking tutulong sa iyo siya rin ay nagtataglay ng birth date na 1, 10, 19 o kaya’y 28. Kaya kung sinomang lalaki ang dumating sa buhay mo na may ganyang birth date, umasa kang malaki ang maitutyulong sa iyo ng nasbaing kaibigan o kamaga-anak o kakilala.

Luscher Color Test:

Samantala ugaliin mo namang gumamit ng kulay na berde at silver o gray sapagkat ang nasabing kulay ang lalo pang magbibigay at magdadala sa iyo ng mga magagandang kapalaran hindi inaasahan.

Huling payo at paalala:

Maribel kung hindi mo tutulungan ang iyong sarili at hindi ka magsisikap upang makapag-aral na muli, imposibleng matupad ang pangarap mo, na makatapos ng pag-aaral. Tulad ng naipaliwanag na, kumilos ka na ngayon at maghanap ng sariling ikabubuhay. Magagawa mo at makakaya mo sa tulong ng isang lalaking inilarawan na sa itaas. At sa sandaling nagkaroon ka ng trabaho sa taon ding ito, tulad ng nasabi na, sa susunod na taong 2016 tuloy-tuloy ka ng makakatapos ng pag-aaral at magkakaroon ka na rin ng isang mas maganda at mas may malaking suweldo na trabaho, hanggang sa tuloy-tuloy ka na ring umunlad at umasenso at sa bandang huli ikaw din ang magiging anak na mag-aahon sa kahirapan sa inyong pamilya na nakatakdang mangyari at matupad sa taong 2025 sa edad mong 28 pataas.

Read more...