Horoscope, May 14, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Habang namumulaklak ang mga punong kahoy sa gilid ng highway tuloy-tuloy ring darami at lalago ang salapi. Sa pag-ibig, panahon na upang buhaying ang nanlalamig na relasyon, yayain siyang mag-swimming. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Red at silver ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Bawasan ang pagdadamot. Hindi ang pagiging makunat ang sekreto ng kaligayahan, kundi ang pagiging mapagkalinga sa kapwa. Sa pag-ibig, wag pahindian ang mga mahal sa buhay, ikaw lang ang maasahan nila. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 39, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Pink at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sundin ang dinidikta ng damdamin. Sa pag-ibig wag magpadaig sa rason, gamitin ang emosyon. Sa pinansiyal, haluan ng landi at libog ang pagbebenta ng iyong mga produkto upang a mas madali kang yumaman. Mapalad ang 5, 19, 23, 36, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Violet at magenta ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag masyadong mag madali. Hindi lahat ay nakukuha sa bilis. Matutong maghintay. Sa pag-ibig, wag kulitin ang kasuyo, hayaan mo lang siyang kusang bumigay. Mapalad ang 5, 14, 23, 31,41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Om.” Silver at blue ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Huwag kulitin ang tadhana, ang pag-unlad at pagyaman ay kusang darating sa takdang panahong inilaan. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang lugar na malapit sa nature upang lalong sumarap at lumawig ang relasyon. Mapalad ang 2, 7, 22, 36, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Green at lilac ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Wag damdamin ang nakaraang kabiguan. Mag-move on ka, muling balikan ang mga bagay na may kaugnayan sa pagpapayaman at pagmamahal sa pamilya. Mapalad ang 7, 18, 26, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Speculum-Meum-Speculum.” Red at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—May malaking selebrasyong naghihintay. Magpakasaya ka! Sa pag-ibig at pinansyal, magpasalamat sa Dakilang Lumikha sa mga nakamit na biyaya, magbigay ng limos sa mga nangangailangan. Mapalad ang 1, 9, 14, 23, 33 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Jana-Kaliyuga-Om.” White at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Ituloy ang binabalak na pagsisimba sa isang malayong lugar upang lalo pang dumami ang suwerte at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, akitin ang minamahal sa pamamagitan ng tatlong pulang rosas. Mapalad ang 6, 9, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga-Om.” Lilac at purple ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Sa pinansiyal, kapag naging tapat sa iyong pamilya at sa iyong kaisa-isang kasuyo, lalo kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 3, 12, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amara-Ananda-Om.” Red at pink ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Likas kang suwerte hindi mo lang napapansin! Makipag-sapalaran mula sa ika-15 ng Mayo hanggang sa ika-3 ng Setyembre. Makikita mo may malaking panalo bubulaga sa iyo. Sa pag-ibig, isang Virgo ang nagnanasa sa iyong kagandahan! Mapalad ang 3, 6, 27, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Sutras-Om.” Lilac at red ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pinansiyal, kapag hindi mo ginalang ang karapatan ng iba, tutumal ang iyong benta. Sa pag-ibig, upang mapanatili ang masarap na relasyon, manatiling mahinahon. Mapalad ang 8, 19, 25, 34, 39 at 44. Mapalad mong mantra: “Hare-Bhakti-Bhakti-Hare-om.” Green at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag magdesisyon ng nakabatay sa damdamin. Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat manaig kundi ang pagiging mukhang pera. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang iiral, paano ka uunlad at yayaman? Mapalad ang 4, 8, 25, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Black at yellow ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa pinansiyal, basta’t magpatuloy ka lang ng magpatuloy at wag susuko, kusa ding lalago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, anoman ang balakid sa inyong relasyon, ang pagmamahalan nyo parin ang mananig sa dakong huli. Mapalad ang 2, 7, 25, 33, 36 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Govinda-Om!” Green at pink ang buenas.

Read more...