Mga bangkay sa nasunog na pabrika isa-isa nang nailalabas

ISA-isa nang nailalabas Huwebes ng umaga ang katawan ng mga biktima na na-trap sa nasunog na pabrika ng Kentex Manufacturing Inc., sa Valenzuela City Miyerkules.

Ayon sa report ni Erwin Aguilon ng Radyo Inquirer, napasok na ng mga miyembro ng retrieval team ng Valenzuela City ang nasunog na pabrika ng tsinelas, at isa-isang nailabas ang mga bangkay.

Sinasabi na nasa 35 katao ang nasawi sa sunog habang marami pa ang pinaniniwalang nasawi at hinahanap pa rin.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang pitong-oras na sunog ay nagsimula umano sa spark ng pagwe-welding na bumagsak sa chemical na ginagamit sa paggawa ng tsinelas.

 

Read more...