Mega sumabog na naman: Galit na galit sa mahilig mangutang, traydor, magnanakaw

sharon cuneta

Sharon Cuneta is back on her venting arias.

Lately, sa kanyang Facebook account at merong pinatutsadahang mga tao ang Megastar. She took a swipe at people who are either close to her once or mga tao who used her not once, twice or thrice.

“But may mga tao talaga na pag nakita yata ako, ang nakikita nila ‘Bank of the Sharon Islands’ Or may nai-imagine silang nakasulat sa katawan ko na ATM.

Or tattoo sa noo ko na ‘Mabait ako! Please USE and ABUSE ME kasi WALA AKONG SARILING PROBLEMA!’  “MARYOSEP PLEASE TAO LANG PO AKO! May show po ako now.

So, may sueldo na po ako, pero napakadaaaaamiiiiii ko pong binabayaran and sorry po kundi ko sa inyo dino-donate agad. Pasensiya na po.

“And my favorite line of all: ‘Wala na kasi akong maisip na iba, ikaw na lang talaga ang naisip kong lapitan.’ (Teka – why naman pag masaya di ka man lang nagpaparamdam sa akin ng mga twenty years? Pero when you have a problem, typically of the financial kind, aba kay laking himala at ako lang ang naiisip mo? You’re so cute naman I want to pinch you!).

“Then there are the two other kinds. One is the THIEF who you and your family and others close to you trusted for many years, tapos traydor pala at napakayaman na sa dami ng ‘kabutihan’ na pinakita mo and/or ng mga magulang mo sa kanila.

There is a special place in hell for those who enjoyed betraying people’s trust here on earth.”Sabi ng iba, ang masamang damo matagal daw mawala. Sabi namin noon, baka kasi ayaw ng demonyong si satanas na ma-dethrone kaya pinapatagal niya?! Ngek.”

That was Sharon’s long aria. Actually, ang haba-haba ng vent ni ate Shawie, pinutol na lang namin dahil nga sobrang long.
We felt that Sharon is not in full control of her emotions.

Ang mas maganda siguro niyang gawin is to confront people who caused her headaches, hindi ‘yung idinadaan pa niya sa blind item sa kanyang Facebook account.

Kung gusto niya talagang madala at hiyain ang mga taong kinabubuwisitan niya, name names nang magkaalaman na!!!

 

Read more...