Anne, Vice, Marian talbog pa rin kay Daniel

anne curtis

MARAMI ang nakapansin kapatid na Ervin (pati na kami) na noong Belo Beautiful at 25 event sa Trinoma ay tunay namang pinakabongga, pinakamalakas at pinakanakabibingi ang tilian at palakpakan kay Daniel Padilla, kumpara sa iba pang endorsers ni Vicki Belo kabilang na sina Anne Curtis, Marian Rivera at Vice Ganda.

Mauunawaan na namin ang napakatahimik na reception ng audience sa isa pang Belo endorser na si Sarah Geronimo na bumati lang sa pamamagitan ng isang recorded video (nasa Canada raw ang Pop Princess for a series of shows) kaya wala siyang masyadong fans sa event.

Obvious na dinagsa ng fans and supporters ni Daniel ang venue dahil halos mabingi na kami sa kasisigaw nila. Hindi na namin papangalanan kung sino ang nakatanggap ng pinakamahinang palakpak, pero sadyang nag-uumapaw ang katotohanan na kahit pagsama-samahin mo pa sa isang event ang mga sikat na celebrities na may milyones na followers sa social media, taob na taob pa rin sila kay Daniel.

Apparently, first year pa lang pala ni Daniel sa Belo at kitang-kita naman kung paano siyang binigyan ng importansya ng kumpanya. And yes, muli ngang napag-usapan sa nasabing event ang mga nangyayari ngayon sa buhay ni Dra. Vicki, Hayden Kho at Katrina Halili.

Masaya na nga ang marami sa muli nilang pagkikita-kita at pagbabati, pero gaya ng napauna ng sinabi ni Dra. Belo, ramdam pa raw nito ang pain ng lahat lalo na noong time na muli niyang makaharap nang personal si Katrina.

Balitang wala ng planong ipagpatuloy ni Katrina ang legal battle niya laban kay Hayden na nangako namang tuluy-tuloy nang magbabago at forever na raw siyang magiging loyal kay Dra. Belo.

Read more...