Enchong ayaw kuning guest si Daniel sa first major concert

enchong dee

Magkakaroon na rin pala ng concert ang Kapamilya leading man na si Enchong Dee.

Matapos ngang tumanggap ng gold record award ang aktor para sa kanyang album na “Chinito Problems,” naghahanda na sa kanyang first solo concert sa July 3 si Enchong.

Umaasa ang aktor na susuportahan din ng kanyang mga tagahanga ang kanyang first major concert na gaganapin sa Music Museum. Ngayon pa lang ay iniisip na ng producer ng concert ni Enchong na dalhin din ito sa iba’t ibang bansa.

“Kasi ang gusto ko, tatlong cities na gagawin ‘yung ‘Dee Tour.’ Gusto namin i-tour siya. As much as possible, gusto namin isa sa Luzon, isa sa Visayas and isa sa Mindanao and of course abroad.

We are looking at sa Asia muna,” ayon kay Enchong sa interview ng ABS-CBN. Marami rin daw magiging special guests ang aktor sa kanyang concert pero hindi pa raw pwedeng sabihin.

Sinabi rin niya na baka raw hindi niya kuning guest ang Teen King na si Daniel Padilla. “Actually may mga nilinya kaming gusto namin makasama.

Pero like kahapon sa ASAP, binanggit ko kay Daniel. Sabi ko, ‘Uy, Daniel sana July 3 makapunta ka.’ Sabi niya, ‘Ayaw ko pumunta. Gusto ko guest ako.’

“Ang sabi ko naman sa kanya, ‘Hindi pwede kasi baka mamaya maagaw mo ‘yung show.’ Pero marami kaming nakalinya na hindi mo akalain na magiging parte nung concert,” birong kuwento pa ni Enchong.

 

Read more...