Minimum na pasahe hiniling ibalik sa P8.50

Matapos ang sunod-sunod na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo, naghain ng petisyon ang isang grupo ng mga jeepney driver at operator upang ibalik sa P8.50 ang minimum na pasahe.
Inihain ng Alliance of Concerned Transport Organization ang petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board kahapon.
Ayon sa ACTO wala ng batayan ang P1 provisional rollback na ipinatupad ng LTFRB noong Disyembre dahil muling tumaas ang presyo ng diesel na siyang ginagamit ng mga jeepney.
Saklaw ng petisyon ang pasahe sa National Capital Region, Region III at IV-A.
Umabot na sa P32 ang kada litro ng diesel at kung aabot ito sa P35 ay maghahain din umano ang petisyon ang ACTO upang itaas ng P1 ang pamasahe.
Naging P7.50 ang minimum na pasahe sa Metro Manila dahil sa provisional rollback na ipinatupad noong Disyembre.
Nagpaplano ring magsagawa ng kilos protesta ang ACTO kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling.

Jeepney fare

Jeepney fare

Read more...