Matapos ang mga pasabog noong huling Linggo, dalawang episode na lang ang natitira sa unang season ng RisingStars Philippines. Para sa Challenge-a-Star, tila gusto talagang makabalik ng tatlo sa mga dating finalist: ang paborito ng audience na sina Jestonie Divino ng Davao, Kurt Espiritu ng Bacolod, at Victoria Ingram ng Cebu.
Lahat sila ay hinamon si Mia Derilo ng Iloilo sa pagkanta ng “Iris.” Pinapuntang muli ang mga ito sa TV5 studios para magharap-harap, at ang pagkanta ni Victoria ang napili.
Nagtagumpay si Mia sa Challenge-a-Star at nabingwit ang puwesto ni Mia sa Top 6. Dahil nga kakabalik lang, hindi maaring ma-vote out si Victoria.
Pero naniguro na ang Fil-Am singer at ginalingan ang pagkanta ng “Maging Sino Ka Man,” kaya’t nakapasok ito sa Top 5. Ang nakakuha ng pinakamaraming boto sa text, website at mobile app at napangalanang Voters’ Choice ay si Remy Luntayao ng Laguna na kumanta ng “Basang Basa Sa Ulan.”
Ang kanyang suportang nakukuha ay kanyang pinapangarap na magpapatuloy para makaabot ng grand finals.Nakaabot na sa Top 5 ang mga dalaga ng Bacolod, at patuloy na umaani ng papuri sa mga hurado ang swabeng boses ni Lee’Anna Layumas na kumanta ng “Bakit Ako Mahihiya,” at ang powerhouse vocals ni Rocelle Solquillo na kumanta ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin” na nahirang na naman bilang Shining Star.
Kasama nila sa Top 5 ang pinakabunso sa lahat na si Krezia Mae Toñacao ng Quezon City, na kumanta ng Ngayong Sabado, sila ay pipili ng awitin na babagay sa tema ng kanilang buhay.
Para makapasok sa Grand Finals, kailangan nilang magbitiw ng isang kanta na tatatak sa utak ng mga hurado. Sino kaya sa kanila ang makakakuha ng kauna-unahang titulo ng RisingStars Philippines? Sino ang makakapasok sa Final Four?
Abangan ang huling dalawang episode ng RisingStars, ngayong Sabado, Mayo 16, 10PM sa TV5.