DEAR Aksyon Line:
Malaki po ang problema ko sa SSS. Nang minsang magpunta ako roon, ang sabi sa akin ay kailangan ko raw bayaran ang P20,000 na aking pagkakautang. Nagpatulong na lang tuloy ako sa kapatid kong nagtatrabaho para makapagbayad.
Kahit po mahirap ang aming buhay ay pinipilit po naming mabayaran ang halagang sinabi ng SSS na dapat kong bayaran.
Isang araw ay inutasan ko po ang aking anak para mag-verify at ang sabi daw ng SSS ay may malaki pa akong pagkakautang.
Kaya ngayon po ay lumalapit sa Aksyon Line para para humingi ng tulong. Sana po ay matulungan ninyo ako sa aking problema.
Salamat po.
Arturo dela Lara
REPLY: Para sa iyong katanungan, Ginoong Dela Lara. Lumalabas po sa aming record na ang inyong matagal nang inutang ay nag-interes na kaya naman ang ibinayad mo na P20,000 ay hindi pa sapat para mabayaran ang iyong pagkakautang.
Sa record, lumalabas na meron pa po kayong kakulangan na P18,373 na dapat bayaran.
Payo po ng SSS, upang hindi na kayo gaanong mabigatan, maaari itong bayaran nang installment para pagsapit ninyo sa inyong retirement age ay hindi kayo magkaproblema sa inyong pension.
Habang tumatagal at hindi pa rin ito nababayaran ay magkakarga pa ito ng karagdagang interes kaya mas mainam na bayaran ito kahit paunti-unti hangang sa makabayad.
Sana po ay natugunan namin ang inyong katanungan.
Salamat.
Ms. Beth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Social Security System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hngad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.vvv.