Sinisiraan ng ex-BF

HI po. Ako si Trisha Henzey, taga Isabela. May problema po ako. Wala na po kami ng ex-BF ko, almost one year na po, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit nya ako iniwan. Ang problema pa po ay sinisiraan niya ako sa mga nagi-ging girlfriend niya. Nakakainis kasi hindi ko naman siya pinapakialam at nananahimik lang ako. Ano po ang gagawin ko? Salamat po.

Hello Trisha ng
Isabela! Kung wala na kayo ng BF mo, I suggest huwag mo na lamang pansinin ang mga naririnig mong “paninira” at tamang manahimik na lang kung alam mong hindi naman totoo ang mga ito.
Bakit ka kaya niya “sinisiraan” sa GF n’ya? Bad break-up ba kayo? Ano kaya mapapala niya sa ginagawa niyang ito? Hindi pa rin ba siya maka-move on sa break-up n’yo?
To sum it up, we can not control other people but we can control our own actions. Be the mature one at huwag patulan ang ganitong issue. Although, if that person causes you unnecessary stress, pwede mo siyang kausapin nang harapan at tanungin kung totoo ang mga naririnig. Just be nice and remain calm. May karma naman.

Ang payo ng tropa
Hello Trisha, magandang araw sa iyo.
Ang magandang gawin mo, neng, wag kang masyadong ma-stress at mag-alala nang sobra-sobra, lalo na wala na kayo ng ex BF mo at almost one year na kayong break, di ba?
Hayaan mo na lang kung ano man ang mga naririnig mo dahil alam mo naman sa sarili mo na hindi totoo at hindi mo naman ginawa ang mga paninira ng ex-BF mo sa iyo.
Wag ka na lang gaganti sa mga pinagsasabi niya para hindi ka na rin magkasala, tutal kahit paano naman siguro ay may maganda rin kayong pinagsamahan kahit ganyan ang ending ng inyong relasyon.
Kung bad-break up ang nangyari sa inyo ng ex BF mo, sana sa susunod na pakikipagrelasyon mo ay maging OK na ang lahat.
Always remember na ang pakikipagrelasyon ay may kasamang respeto at higit sa lahat pagmamahal sa bawat isa. Oki!
Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...