Makapag-aaral pa ba sa darating na pasukan?

Sulat mula kay Maribel ng San Vicente, Liloan, Metro Cebu

Dear Sir Greenfield,

Magdadalawang taon na po akong graduatet ng high school at magdadalawang taon na rin pong istambay lang sa bahay. Gusto ko sanang magpatuloy ng college, ang kaso marami po kaming magkakapatid habang ang nanay ko naman ay nagkakatulong lang. Ang tatay ko naman po ay isang construction worker kaya lagi ring walang trabaho. Ako po ay pang-apat sa walong magkakapatid. Pangarap ko pong makapag-college kaya lang puro pangako na lang ang nanay at tatay ko sa akin, hindi naman po tinutupad. Sa edad ko po bang 18 years old na sa darating na June 7 ay may pag-asa pa kaya ako makapasok sa college? Sa ngayon ay dito lang ako sa bahay dahil ako po ang nag-aalaga ng maliit kong mga kapatid.

Umaasa,
Maribel ng Metro Cebu

Solusyon/Analysis:

Palmistry:
Higit na malinaw ang Guhit ng Pagsisikap (Illustration 1-1 arrow 1.) kung ikukumpara sa Fate Line (2-2 arrow 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung aasahan mo lang ang pangako ng mga magulang mo na pag-aaralin ka kapag naka-pera, imposibleng matupad. Sa halip, ikaw ang dapat magsikap na makapag-aral sa sarili mong paraan at makikita mo, magkakaroon ng mas positibong resulta ang anomang ipaplano mo para sa iyong sariling kinabukasan.

Cartomancy:

Eight of Diamonds, King of Clubs at Eight of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang lalaki, sa taon ding ito ng 2015 makapagtatrabaho ka at sa sandaling nakapagtrabaho ka, ito na ang hudyat na unti-unti at isa-isa mo nang matutupad ang lahat ng pangarap mo sa buhay.

Itutuloy

Read more...