Juday hirap na hirap sa mga assignment ng anak: Lalo na pag di ko alam yung English!

judy ann santos

SALUDO si Judy Ann Santos sa mga single parent dahil alam niya kung gaano kahirap magpalaki ng anak. Kaya malaking bagay para kay Juday na nandiyan lagi sa tabi niya ang kanyang partner in life na si Ryan Agoncillo.

Dahil kay Ryan kaya “nakakaarte” pa rin daw siya na parang bata. Si Ryan daw ang kanyang pader na nasasandalan niya. “‘Yung talagang paligwak na ako doon sa emotions ko or hindi ko ma-explain sa anak ko ‘yung mga bagay dahil hindi ko alam ‘yung English, ‘Babe, kaya mo na ‘yan. Go! Please, go!’ Tungkol sa mga assignments, ang hirap, ha!” diin ni Juday.

Pati raw siya ay dinidisiplina ni Ryan, “Nagiging bata ako at pwede muna akong mag-let go sa tabi ni Mommy (Carol, ina ni Juday). Nagiging dalaga ako ulit kasi parang nagliligawan kami ulit. Nandiyan ‘yung times na kinikilig ka pa rin.

“Feeling ko kailangan ng isang babae ‘yun para balanse ang buhay niya. Kung may partner ka na kaya kang patawanin at kaya kang aliwin in the midst of all these chaos, e,” sey ni Juday.

No wonder nananatiling matatag ang relasyon nina Juday at Ryan. In fact, katatapos lang nilang mag-celebrate ng kanilang 6th wedding anniversary last April 28.

Inamin ni Juday na gusto na nilang sundan ni Ryan ang anak nilang si Lucho na nag-birthday recently. Hindi naman daw nila tinatago ang tungkol dito.

“Tinatrabaho naman pero hindi lang pa siya siguro nangyayari. Ah, may perfect timing naman si Lord para diyan. Baka gusto Niya na magteleserye muna ako or kung ano pa man.

Basta pray lang kami na kung saka-sakali magka-baby sana kambal. Para isahan na lang. Aba! Mahirap magpapayat, ha!”
Kapag nagkaroon daw sila ng kambal na anak ni Ryan malamang stop na sila sa paggawa ng baby.

“Parang dapat nga siguro mag-stop. Pero ayokong magsalita ng tapos kasi ‘yung paggawa madali, e. ‘Yung paglabas ang mahirap at saka ‘yung pagbalik. Pagbalik sa trabaho, paghahanap ng eskwelahan, ‘yung mga ganoon.

“Ang layo na ng iniisip mo wala pa nga, hindi ka pa nga nabubuntis ulit iniisip mo na, ‘Magdadagdag ako ng kwarto sa bahay. Magdadagdag na naman ako ng nurse.’ Siguro sabi ni Lord, huwag na muna.

Huwag ka munang mag-isip,” lahad ni Juday. Inamin din ni Juday sa unang pagkakataon na gusto na rin sumunod sa mga yapak niya bilang artista ang panganay niyang si Yohan.

“Totoo pala siya. Doon ko na-realize na dapat pala talaga naniwala ako sa Mommy ko.”Dapat nakinig ako noong sinabi niya sa akin na magtapos ka ng pag-aaral mo. ‘Yun ‘yung prosesong pinagdadaanan ko kay  Yohan ngayon.

Kasi nandoon siya na she wants to go with me sa tapings.” Gusto raw maging aktres ng kanyang anak, “Sinasabi ko sa kanya, ‘You have to study first. You have to finish your studies.

Tapos sabi ni bagets, ‘Why? E, you didn’t finish naman your studies?’ ‘Kaya nga, e. ‘Yun na nga ‘di ba? Kasi nga, e.’ Ha-hahaha! Hirap na hirap akong makipagdebate. ‘Yung mga ganoon.”

At this point, nais naming batiin si Juday bilang isa sa mga dakilang ina na binigyan ng parangal last Mother’s Day celebration.

Read more...