Marian tumangging gawin ang show kasama sina Ai Ai at Regine?

marian rivera

NAG-DENY ang kampo ni Marian Something na meron talk show ang Primetime Queen kuno na gagawin na kasama sina Ai Ai delas Alas and Regine Velasquez.

Actually, matagal na naming naririnig ang tungkol sa talk show pero hindi lang namin isinusulat. Kaya nga mas lalo pa kaming nagulat na meron na kaagad denial ang kampo ni Marian Something which was written by her writer-defender.

Kalat na kalat na sa showbiz na merong talk show sina Regine, Ai Ai at Marian. Excited na nga ang dalawang makakasama ni Marianita, ‘no.

But now na nag-deny ang kampo ni Marian, matuloy pa kaya ito? Ang feeling namin ay nag-iinarte lang itong si Marianita at ayaw magtrabaho dahil buntis. Ayaw siguro niyang mapagod.

Eh, kawawa naman ang Siyete. Bayad ang kanyang araw at buwan sa network, ‘no, dahil guaranteed contract yata ang kanyang pinirmahan. Kung ayaw niyang mag-work, sayang lang ang bayad sa kanya, ‘no!

Naku, Marian, ano ba naman ang talk show. Wala ka namang gagawin doon kundi magsalita nang magsalita and nothing else. Mahirap pa ba ‘yon sa ‘yo?

 

Read more...