Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
4:15 p.m. Meralco Bolts vs NLEX Road Warriors
7 p.m. Kia vs Ginebra
NAUNGUSAN ng Globalport Batang Pier ang Star Hotshots (Purefoods), 91-89, para manatiling walang talo sa tatlong laro sa pagpapatuloy ng PBA Governors Cup kahapon sa SM Mall of Asia Arena.
Matapos na maitabla ni Marcus Blakely ang score sa 87-all mula sa free throw line ay sinagot ito ni Terence Romeo ng isang jumper para itulak ang Globalport sa 89-87 kalamangan, 1:50 na lang ang natitira sa orasan.
May mga tsansa ang Star na muling itabla ang laban ngunit natawagan ng offensive foul si Mark Barroca, natapal ang tira ni Marc Pingris, nagmintis si James Yap at nagkamit ng turnover si Joe Devance.
Dito na kinain ni Stanley Pringle ang depensa ni Pingris para umiskor at umangat sa apat ang kalamangan ng Batang Pier, 91-87, may 12.1 segundo pa ang natitira.
Sa sumunod na play ay nagmintis ang tira ni Barroca ngunit naroon si Blakely para sa offensive putback, may pitong segundo pa ang nalalabi.
Hindi na naka-iskor pa ang Globalport pero inubos nito ang oras para mabigo ang kalaban sa kauna-unahang pagka-kataon sa PBA.
Si Omar Krayem ay may 20 puntos at si Romeo ay may 17 puntos para sa Globalport habang si Blakely naman ang nanguna para sa Hotshots sa ginawa niyang 19 puntos.
Samantala, ipamamalas ng Meralco ang kanilang bagong Japanese import sa pagharap nito sa NLEX ngayon sa Cuneta Astrodome.
Si Seiya Ando ang magiging Asian import ng Bolts at makakatu-wang niya si 6-5 Andre Emmett na may average na 36 puntos at 12 rebounds kada laro para sa Meralco. —Mike Lee
Hotshots pinadapa ng Batang Pier
READ NEXT
LP problemado kay Mar, Grace
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...